SA GUSALI ng senado nagpalipas ng magdamag o gabi sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Robin “Robinhood” Padilla matapos magpasa ng isang reolusyon ang senado para sa preventive custody ni Dela Rosa kaugnay ng ihahaing warrant of arrest sa kanya na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Padilla, nagpasya siyang samahan si Dela Rosa upang ipadama na mayroon siyang katuwang sa kanyang pinagdaranang sitwasyon.
Nagpapasalamat si Dela Rosa sa patuloy na suporta at dasal para sa kanya ng mga tagasuporta at mga naniniwala sa kanya.
Nanindigan si Dela Rosa na hihintayin niya ang desisyon ng Korte Suprema sa kanyang petisyon ukol sa warrant na ihahain laban sa kanya.
Tiniyak ni Dela Rosa na patuloy siyang dadalo sa lahat ng sesyon ng senado sa kabila ng mga hamon kaugnay ng warrant of arrest ng ICC.
Binigyang-diin ni Dela Rosa na bilang isang Filipino dapat siyang litisin at kung ikukulong man ay dito sa sariling bansa natin.
Sa ngayon ay self-medication ang gagawin ni Dela Rosa sa sugat na kanyang napala nang magpahabol sa mga tauhan ng National of Bureau of Investigation (NBI). (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com