TINIYAK ni Senate President Alan Peter Cayetano na kahit sino ay maaaring maghain o magsilbi ng warrant of arrest sa Senado basta ito ay warrant of arrest galing sa isang korte sa bansa.
Ayon kay Cayetano dapat masunod ang tamang proseso at hindi basta-basta na lamang tutungo sa senado at ihahain ang warrant of arrest.
Sa ngayon ay ipinunto ni Cayetano na gagamitin muna ng kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang lahat ng legal remedies bago tuluyang magdesisyon kung paano niya tatratohin ang ihahaing warrant sa kanya.
Magugunitang inihayag ng National Bureu of Investigation (NBI) na mayroon silang hawak na warrant of arrest laban kay Dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC) bagay na hindi kinikilala ni Dela Rosa.
Inamin ni Cayetano na sa sandaling magamit ni Dela Rosa ang lahat ng remedyol para sa kanyag kinahaharap na usapin ay kakausapin niya ito at papayohan na magdesisyon na upang matuldukan na ang usapin.
Sa ngayon ay nasa preventive custody ng senado si Dela Rosa matapos ay pagtibayin ng senado sa ilalim ng liderato ni Cayetano.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nanatili sa loob ng gusali ng senado si Dela Rosa at dito na rin siya nagpalipas ng gabi kasama si Senador Robin “Robinhood” Padilla. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com