Friday , June 5 2026
explosion Explode

Pagawaan ng paputok sumabog, tatlo sugatan

TATLONG indibidwal ang nasugatan sa insidente ng pagsabog ng isang pagawaan ng paputok sa bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay Manuel Lukban Jr., provincial disaster risk reduction management officer ng Bulacan, naganap ang pagsabog sa Sitio Manggahan, Barangay Pulong Buhangin, Santa Maria.

Tatlong biktima ng pagsabog ang kaagad binigyan ng pangunang lunas ng mga tauhan ng Pulong Buhangin Rescue at isinugod sila sa pinakamalapit na ospital para sa medikal na paggamot.

Sa isang ulat naman na nakarating kay Brig. Gen. Jess Mendez, direktor ng Central Luzon Police, ang kinilala ang kumpanyang naapektuhan ng pagsabog ng paputok bilang Dreamlight Fireworks Factory.

Kinilala ang mga biktima na isang Ada, 19 taong gulang, tagabalot ng paputok, na nagtamo ng mga sugat sa kanang kamay at kanang paa; isang Jomar, 22 taong gulang na nakatalaga sa paggawa ng “kwitis” na nagtamo ng mga paso sa kanang kamay at kanang paa; at isang nagngangalang Mary, 15 taong gulang, na bisita ng isa sa mga manggagawa.

Agad na dinala ng mga rescuer ang mga biktima sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital para sa medikal na paggamot.

Ipinakita sa inisyal na imbestigasyon na legal ang operasyon ng pabrika ng paputok na may mga kinakailangang permit habang nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection hinggil sa insidente. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …