Thursday , June 4 2026
dead gun

Bebot niratrat ng mga suspek na nasa kotse

PINAGBABARIL ang isang babae hanggang mapatay ng mga kalalakihang suspek na nakasakay sa kotse kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Dead on-the-spot ang biktimang si Nicky Reyes, 22 ng Brgy. 128 Tondo, Maynila.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nangyari ang  insidente dakong 11:45 ng gabi R-10, Sitio Sto. Puting Bato, Brgy. NBBS Proper, Navotas City.

Nakita ng mga saksi na tumatakbo ang biktima habang hinabahol ng mg suspek na sakay ng kulay itim na kotse.

Nang makitang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa pagsisiyasat ng  NPDFU sa pangunguna ni PMaj. Jerry Damaso, nakarekober ang pitong basyo ng bala sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …