NAILIGTAS ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 13 biktima ng human trafficking kabilang ang isang sanggol sa serye ng pagsalakay sa isang Spa at Wellness hub, hotel at apartelle, sa Parañaque City, noong Huwebes.
Nabatid sa ulat, isinagawa ang pagsalakay ng mga operatiba ng NBI-Homicide Division noong 7 Mayo 2026 laban sa Rainbow Spa at iba pang establisimiyento na pinagdadalhan sa mga biktima para sa sexual services na tinawag na ‘nuru massage’ at ‘Lingam massage’ sa pagpapanggap na ‘therapists’.
Sa surveillance, dalawang undercover agents ang inalok ng serbisyo, at nang ihatid ang dalawang menor de edad na babae, agad inaresto ang dalawang suspek na tumanggap ng kabayaran at naghatid sa mga biktima sa isang apartelle.
Nalantad na ang iba pang mga biktima ay magkakasamang nanunuluyan sa isang bahay sa Fortunata Village, sa Parañaque, kung saan dinatnan ang walong biktima at dalawang lalaking tagahatid sa kliyente ang dinakip.
Sa isang follow-up operation, nadakip ang mag-asawang nagpapatakbo ng spa sa Fortunata Village at nailigtas ang isa pang babaeng biktima.
Na Samantala, isang hiwalay team ng Homicide Division, ang nakapagligtas sa isang menor de edad at inaresto ang kliyente sa isang motel sa Pasay City.
Isinailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek para sa kasong paglabag sa Republic Act 10364 at iba pang mga paglabag.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com