Thursday , June 4 2026
House Fire

Sa Parañaque City  
Lalaki todas sa sunog, 15 pamilya homeless

ISANG 25-anyos lalaking iniulat na nawawala sa sunog

ang natagpuang patay sa loob ng kanyang silid na pinaniniwalaang nakulong sa loob ng nasusunog na bahay sa lungsod ng Parañaque, nitong Sabado ng hapon, 9 Mayo.

Natagpuan ang labi ng biktima ng mga nagrespondeng bombero sa loob ng kaniyang silid nang tuluyang maapula ang sumiklab na apoy pasado 5:00 ng hapon kamakalawa.

Ayon kay SFO3 Giovanni Corbes, imbestigador ng BFP Parañaque, kakulangan sa hangin o suffocation ang tinitingnang sanhi ng kamatayan ng biktima na pinaniniwalaang natutulog nang maganap ang insidente.

Dagdag ni SFO3Corbes, posible rin sa silid ng biktima nagmula ang apoy.

Nabatid na pitong oras nang hinahanap at tinatawagan ng kaniyang pamilya ang biktima ngunit bigo silang matagpuan siya.

Sa pagtataya ng barangay, hindi bababa sa 12 bahay ang tinupok ng sunog na umabot sa ikalawang alarma, habang nasa 15 pamilya o 45 indibiduwal ang nawalan ng tirahan.

Kasalukuyang nasa sa kalapit na covered court ng barangay hall pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong residente.

Tinatayang nasa P270,000 ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog, na patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …