MATABIL
ni John Fontanilla
PANG-INTERNATIONAL ang dating ng grupong Blue Dreamers PH pagdating sa looks, husay sa pagkanta, at perforformance.
Ang Blue Dreamers PH ay isang talent seach na nagsimula noong isang taon (June 2025), mula sa ilang libong kabataan na nag-audition na nagmula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Down to hundreds naging 20 to 15 hanggang naging 10 at nabuo ang tinawag nilang lucky eight na sumailalim sa matinding training at sa final ay limang kabataan lang ang umangat at napiling maging miyembro ng Blue Dreamers PH.
At sila ay sina Jarred Salvador na taga-Makati, Zhian Mendoza mula Mindoro, Shayne Monreal mula Albay, at ang kambal na sina Jairex Tan at Xanxan Tan mula naman Zamboanga del Sur.
Sabay ng pagpapakilala ng limang miyembro ng Blue Dreamers PH ang launching ng kanilang self-titled album na ang carier single ay LowKey Tayo na mula sa komposisyon ni MJ Gutierez
at idi-distribute ng Artist Central Music.
Ang ilang songs pa sa kanilang album ang Dance Tayo at 912 Hours Journey.
Ayon kay Madam MJ at coach Zenly Diansuy marami silang magagandang plano sa Blue Dreamers PH. Bukod sa kanilang album ay gagawa rin sila ng pelikula at variety show na magisisimula sa June 2026.
Sa ngayon ay abala ang grupo sa paglibot sa iba’t ibang TV shows, radio programs, mall shows, at online shows para i-promote ang kanilang album.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com