I-FLEX
ni Jun Nardo
ON-GOING pa rin ang kaso between director Darryl Yap at Vic Sotto kaugnay ng isang dayalog sa natapos na movie na The Pepsi Paloma Story.
Aminado ng director na gusto niyang maipalabas ang movie dahil documented ito. Ayaw din niyang mawala sa movie ang eksenang ‘yon.
Eh dahil may kontrata si direk Daryl sa Viva, kailangan niyang gumawa ng movies at balik movie siya sa pelikulang Love, Ngo, na tiyak na magiging kontrobersiyal muli dahil may kasama siya sa cast na ngongo o may cleft palette na may diperensiya sa pagsasalita.
May nakalinya pa siyang gagawin gaya ng Devirginized 2 ni Sharon Cuneta at ang Mama Fia ni Vilma Santos.
Dream gawin ni direk Daryl ang isang cultural horror movie mula sa isang tribu na ikawiwindang daw ng lahat kapag natuloy.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com