Wednesday , June 24 2026
Vic del Rosario Ashdres Ashtine Olviga Andres Muhlach

Ash-Dres  ‘di bubuwagin — Boss Vic

I-FLEX
ni Jun Nardo

NANGGALING sa bibig mismo ni Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment na hindi nito bubuwagin ang Ash-Dres o Ashtine Olviga at Andres Muhlach loveteam.

Umingay ang haka-hakang solo-solo na ng career sina Andres at Ashtine nang huling humarap sa media ang huli para sa launching ng kanyang kanta, concert, at fragrance.

Hindi bubuwagin ang Ash-Dres loveteam. Kailangan nilang mag-grow ang career pero hindi ibig sabihin eh tapos na!” deklara ni Boss Vic sa contract signing ng collaboration ng Viva Artist Agency at ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.

Karamihan sa pumirma ay mula sa pageant scene kabilang ang Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez pero may baguhang lalaki ring kasama sa partnership.

Nang tanungin si Boss Vic kung makikita ba ang girls sa VMX project. “Depende sa project ‘yan at nasa kanila ang desisyon kung gusto nila.

“Eh sasabihin ko na sa inyo na we’re putting up VMX Club soon sa isang kilalang hotel. Remember na Gerard Peter Model noon? Bubuhayin namin ang ganoong platform,”pahayag pa ni Boss Vic. 

Pawang sexy models ang bumubuo ng Gerard Peter Model na roon nadiskubre ang ilan nating artista bago pumasok sa showbiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …