Thursday , June 4 2026
JJ Ahaya

JJ Rivera Ahaja Grand Champion sa Kids of the World 2026 papasukin pag-aartista

ISMARTE, bibo, matatas. Kaya hindi nakapagtataka kung tanghaling Grand Champion sa Kids of the World 2026 si Jayferson Rivera Ahaja na ginanap sa Bali, Indonesia kamakailan. 

Bukod dito, Grand Winner din si JJ ng Little Mister Kids of the World 2026Top Model Award 2026, at People Choice Award 2026.

Nakatutuwa nga si JJ nang sabihin nitong akala niya’y mahirap ang gagawin o mahihirapan siya sa Kids of the World. Pero hindi raw.

“Nag-fashion show, introductions, rumampa suot ang national costumes, sumayaw po ako roon.

“Bale nag-perform po ako ng sayaw and kanta ng SB19,” ani JJ na naging crowd favorite at talagang tinilian sa naturang kompetisyon dahil sa ginawang performance.

Sinabi pa ng walong taong gulang na si JJ, na na-enjoy niya ang mga ginawa sa kompetisyon. “Super na-enjoy ko po ang talent portion. Kasi may mga dancing, singing. Akala ko po kung ano iyong competition na sinasabi, eh talent portion lang pala,” nangingiting sabi pa ng bagets.

Naging madali kay JJ na ipakita ang kanyang talent dahil na rin mahilig talaga siyang magsayaw.

Very promising and talented talaga si JJ, na nag-acting workshop sa GMA Sparkle. 

Panganay si JJ nina Ainal A. Ahaja mula Zamboanga City at Maria Cristina ng Cabiao, Nueva Ecija.

Nagmula sa isang pamilyang may matibay na paninindigan—ang kanyang ina ay kapatid ng alkalde ng Cabiao.

Inamin ni JJ na gusto rin niyang sumabak sa showbiz.  Matagal nang gustong umarte ni JJ kaya naman ganoon na lang ang pagsuporta sa kanilang anak. 

Ang unang pagsabak sa pag-arte ni JJ ay sa The Wrath’, na  ginulat niya ang lahat sa ipinakitang galing sa pag-arte.  

Hindi rin kinakitaan ng pagod o tantrums ang bagets kahit baguhan lang sa pag-arte.

Ayon sa daddy ni JJ, masaya ang kanyang anak kapag nagwo-workshop. “Doon sya nakakahanap ng mga kaibigan. Nae-enjoy nya at hindi sya nagrereklamo.”

Bata pa man si JJ eh alam na n’ya ang gusto niya. Tulad ng drama genre ang gusto niyang sabakan sa pag-arte.

Pangarap niyang mapasigla ang mga manonood sa pamamagitan ng taos-pusong mga pagtatanghal. 

At sa tulong ng kanyang mga magulang na sumusuporta sa kanya, walang duda na ang kanyang bituin ay patuloy na magniningning.

Abangan si JJ na soon ay mapapanood sa ating mga telebisyon at sa pelikula. (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …