Thursday , June 4 2026
Atty Elaine A Atienza Martin Romualdez PGMN Franco Mabanta

Sa pagkakasakote kay Mabanta
Romualdez Camp umupak vs ‘balukot’ na naratibo ng PGMN

TAHASANG itinanggi sa isang mariing pahayag ng kampo ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Huwebes, na ang pag-aresto kay Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder Franco Mabanta ay hindi atake sa kalayaan sa pamamahayag at iginiit na ang kaso ay nakasentro sa pangingikil (extortion) at hindi sa peryodismo

        Sa pahayag, sinabi ni Atty. Elaine A. Atienza, spokesperson ni Romualdez, ang isyu ay hindi dapat

ikahon sa kalayaan sa pagsasalita o kritisimo sa gobyerno.

“Binabaluktot ng PGMN ang naratibo (PGMN is twisting the narrative),” ani Atienza.

“Ang isyu dito ay hindi tungkol sa malayang pamamahayag. Lalong hindi ito tungkol sa karapatan ng kahit sino na punahin ang gobyerno. Ang tunay na tanong: may humingi ba ng pera kapalit ng katahimikan?” mariing pahayag ni Atienza.

Aniya, ipinaalam o nagsumbong sa mga awtoridad si Romualdez pagkatapos malantad sa isang tangkang pangingikil.

        “Ginawa ni Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang simpleng bagay na dapat gawin ng isang taong nalantad sa kahalintulad na sirkumstansiya — ini-report ang bagay na iyon sa kaukulang awtoridad, at ang NBI ay umaksiyon sa reklamo alinsunod sa mandatong itinatakda ng batas (Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez simply did what any person exposed to the same circumstance would do — he reported the matter to the proper authorities, and the NBI acted on that report pursuant to its mandate under the law),” dagdag ni Atienza.

Binalewala ni Atienza ang aniya’y ‘irrelevant’ na materyales sa sinabing ‘exposé ng PGMN’ laban sa opisyal. Hindi umano nito mabubura ang aktong kriminal na ngayon ay isinasailalim sa masusing imbestigasyon.

“Kahit ano pa ang materyales o exposé na sinasabing hawak nila ay maituturing na ‘irrelevant’ sa alegasyong kriminal na pangingikil na ngayon ay iniimbestigahan na (Whatever materials or exposés they claim to possess are irrelevant to the criminal allegations of extortion now under investigation),” ani Atienza.

        “Kung sino man ang naniniwala na siya ay may ebidensiya ng anomalya ng isang public official, ang wastong paraan ay simple lang: ilabas ito, isumite sa mga awtoridad, at hayaang ang mga kinauukulang institusyon ang umaksiyon — huwag gamiting  ‘leverage’ kapalit ng pera (If anyone believes he has evidence of wrongdoing by public officials, the proper course is simple: release it, submit it to the authorities, and let the proper institutions act on it — not use it as leverage in exchange for money),” dagdag niya.

Ani Atienza, may inihahandang video ang PGMN ilang linggo na ang nakaraan pero nagpasya umanong huwag itong ilabas.

“Ganoon ang ginawa ng PGMN: may ginawa umano silang video na sinabing nakahanda nang ilabas ilang linggo na ang nakararaan pero mas pinili nilang huwag ilabas. Hindi iyon pamamahayag, iyon ay pangingikil (That is what PGMN did: they purportedly produced a video that was allegedly ready to run several weeks ago and yet chose not to release it. That is NOT journalism, that is extortion,” diin ni Atienza.

Inihayag ng spokesperson na ang kaso ay lalarga sa mga ebidensiya at sa tamang proseso, imbes sa mga naratibo sa online.          

“Sa huli, ang kasong ito ay pagpapasyahan ng mga datos, ebidensiya, at kung ano ang itinatakda ng batas

—  at hindi mga nagpapaligsahang naratibo sa social media (Ultimately, this case will be decided by facts, evidence, and the rule of law — not by competing narratives on social media),” pahayag ni Atienza.

Nagbabala siya na ang mga kagayang aksiyon ay makasisira sa reputasyon at tiwala sa mga lehitimong organisasyon ng media.

“Such conduct undermines legitimate journalism and damages public trust in genuine media institutions,” aniya.

“Simple lang po ito: Sa demokrasya, malayang pumuna. Pero malinaw po sa ating batas: Isang krimen ang pangingikil,” dagdag ni Atienza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …