Thursday , June 4 2026
Ping Lacson

Lacson nanindigan sa rekomendadsyon ng Blue Ribbon

“GINAWA ko lang ang trabaho ko.”

Tahasang sinabi ito ni Senate President Pro-Tempore Panfilo “Ping” Lacson kaugnay ng pagkakasangkot ng tatlong senador sa kaniyang inilabas na Senate blue ribbon committee partial report na kanyang pinamumunuan.

Aminado si Lacson na wala siyang magagawa kung sumama o magalit sa kanya ang kanyang mga kapwa senador dahil ibinatay niya ang kaniyang partial report mula sa mga pahayag ng resource persons at mga ebidensiyang lumabas sa pagdinig ng senado.

Ani Lacson, wala siyang dapat ikonsidera o ikabagabag sa kanyang inilabas na partial report dahil ang laman nito ay pawang katotohanan at batay sa naging resulta ng isinagawang imbestigasyon ng komite.

Para kay Lacson, hindi rin mahalaga kung papansinin siya o hindi ng mga kasamahan niyang senador na kasama sa kanyang mga rekomendasyon dahil inilabas niya ang katotohanan na resulta ng imbestigasyon.

Tiniyak ni Lacson na magkakaroon pa ng imbestigasyon ngunit bigong matukoy kung kailan at ilan pang pagdinig ang magaganap.

Binigyang-linaw ni Lacson na naglabas siya ng partial report nang sa ganoon ay hindi mahaba ang magiging final report ng komite lalo na’t ngayon pa lamang ay mahigit 400 pahina na ang partial report.

Kaugnay nito, hindi umano nababahala sina Senador Joel Villanueva at Senador Jinggoy Estrada sa rekomendasyong sampahan sila ng kasong Plunder at magsagawa ng malalimang imbestigasyon.

Inihayag ng dalawa na wala silang kinalaman sa mga tinatawag na ghost projects at anomalya na iniuugnay sa kanila.

Umaasa sina Estrada at Villanuea na mananaig at lalabas ang katotohanan ukol sa isyu.

Naniniwala si Lacson na ang kung lumagda sina Estrada, Villanueva at Senador Francis “Chiz” Escudero sa partial report ay isang pagkakataon upang malinis nila ang kanilang pangalan.

Aniya, maaaring hilingin sa floor sa pamamagitan ng interpellation na hilingin na tanggalin sa nilalaman ng partial report ang rekomendasyon sa kanilang tatlo. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …