PINAGHAHANAP na ng mga awtoridad ang 50-anyos lalaki matapos sakalin, pagsusuntukin at iniuntog pa ang mukha sa sahig ng kanyang dating karelasyon sa Quezon City, nitong Martes.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang pambubugbog ng suspek na si Joel Tan, sa 34-anyos biktima dakong 12:09 ng tanghali sa loob mismo ng boutique a Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Ang video ay kumalat sa social media.
Lumabas sa imbestigasyon, dating live-in partner at kasosyo sa negosyo ng biktima ang suspek.
Kasunod ng insidente, agad humingi ng tulong ang biktima, sumailalim sa medico egal examination, at pormal na nagsampa ng reklamo sa Police Station 15 (PS-15).
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9262 laban sa suspek. Kinondena ng QCPD ang lahat ng uri ng karahasan laban sa kababaihan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com