Thursday , June 4 2026
BBM Joaan bin Hamad Al-Thani Bambol Tolentino pato Gregorio POC PSC OCA
TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pangulo ng Olympic Council of Asia na si Sheikh Joaan bin Hamad Al-Thani (kaliwa), kasama sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick Gregorio. (PCO Photo)

PBBM, OCA President Sheik Al Thani nagpulong sa Palasyo para sa Asian Beach Games 2028

PINAGTIBAY ng Pangulo ng Olympic Council of Asia (OCA) na si Sheikh Joaan bin Hamad Al-Thani ang pagho-host ng Filipinas sa 7th Cebu Asian Beach Games (ABG) 2028 sa isinagawang courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Malacañang.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, tinalakay ni Sheik Al Thani at ng Pangulo ang kahalagahan ng kooperasyon sa larangan ng palakasan, bukod sa suporta para sa pagdaraos ng ABG sa 2028.

Dumalo rin sa naturang mahalagang pagpupulong si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick Gregorio. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng pulong ang pamunuan ng OCA at isang nakaupong Pangulo ng Filipinas sa loob ng Palasyo.

Isinagawa ang pagpupulong wala pang isang araw matapos ipagkaloob ni Sheik Al Thani ang watawat ng ABG bilang sagisag ng paglipat ng tungkulin ng pagho-host sa Filipinas, kasunod ng pagsasara ng 6th ABG sa Sanya noong Huwebes.

Gaganapin ang naturang palaro mula 7 Marso hanggang 16 Marso 2028. Itinalaga sina Ramon “Tats” Suzara ng POC at PSC bilang Pangulo at Chief Executive Officer ng Cebu ABG Organizing Committee (CABGOC).

Idinagdag ni Tolentino, tinalakay rin sa pulong ang mga paraan upang higit pang mapalakas ang kooperasyon sa pagpapaunlad ng palakasan, kabilang ang pagsasanay ng mga atleta, ugnayan ng mga institusyon, at mga oportunidad para sa Filipinas na magdaos ng mga susunod na panrehiyon at pandaigdigang kompetisyon.

Si Sheik Al Thani ay nagsisilbi rin bilang Pangulo ng Qatar National Olympic Committee.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang naturang pagpupulong ay sumasalamin sa matibay na pagtitiwala sa Filipinas bilang isang maaasahang katuwang sa pagsusulong ng kahusayan sa palakasan at kooperasyong panrehiyon. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …