Thursday , June 4 2026
Raphael Rapha Herrera Karate One Youth League
ANG Karate phenom na si Raphael ‘Rapha’ Herrera na sasabak sa nakatakdang Karate One Youth League sa Mayo 14-17 sa MOA Arena. (PHOTO RELEASE)

Karate star, panauhin sa TOPS Usapan

MULING masusubok ang kakayahan ng mga batang karatekas, kabilang ang Karate phenom na si Raphael ‘Rapha’ Herrera sa nakatakdang Karate One Youth League sa Mayo 14-17 sa MOA Arena.

Ang kahandaan ng 13-anyos  at Grade 7 sa Abba Orchard sa Pasig City ay sentro ng usapin sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon ganap na 10:30 ng umaga sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Makakasama ng Batang Pinoy champion ang iba pang batang karate na sasabak sa prestihiyosong torneo sa gabay ni National coach Engene Dagohoy sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Nagningning ang talento ni Herrera nang masungkit niya ang bronze medal sa  2nd Asian Youth Open Karate Championship & Training Camp (14-under) sa nakalipas na taon. Tulad nito ang Karate One Youth League ay nasa pangangasiwa ng Asian Karate Federation at sanctioned ng International Karate Federation at inaasahang lalahukan ng 1,000 atleta.

Inaanyayahan ni TOPS president Nympha Miano-Ang ang mga opisyal at mitemro gayundin an gmga sports enthusiast na makiisa sa programa na mapapanood din via livestreaming sa TOPS Sports facebook pagem Sports Corner, Bulgar Sports at Sportstek.ph. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Victory Liner Electric Bus e Bus

Victory Liner iginagalang suspension order ng LTFRB

KINIKILALA ng Victory Liner ang preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board …

Albee Benitez Bojie Dy

Speaker Dy, pamunuan ng Kamara pinuri Deputy Speaker Benitez  
MATAAS NA TRUST RATING KREDITO SA TINUPAD NA MANDATO NG KONSTITUSYON

ni GERRY BALDO PINURI ni Deputy Speaker at Bacolod Lone District Rep. Alfredo “Albee” Benitez …

060226 Hataw Frontpage

Jinggoy balik-hoyo sa kasong plunder

HATAW News Team ITINULOY ng mga awtoridadang pag-arestokahit sinabing boluntaryong sumuo si Sen. Jinggoy Estrada …