Thursday , June 4 2026
Killer Poste Bulacan

Panglima na…
WORKING STUDENT PATAY SA HARANG  NA ‘KILLER POSTE’

ni MICKA BAUTISTA

DEAD ON THE SPOT ang isang binatang estudyante nang bumangga ang sinasakyang bisikleta sa isang ‘mapanganib’ na poste sa Sitio Gulod, Brgy. San Jose Patag, Santa Maria, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Arjun “Noy” Sanosa, isang 23-anyos working student, residente sa nabanggit na lugar.

Napag-alamang ang biktima ay nanghiram ng bisikleta sa kaibigan upang magpapalit ng pera sa labasan ng kanilang sitio.

Nang pauwi na at habang nasa papalusong na bahagi ng kalsada, biglang sinabing nawalan ng preno ang sinasakyang bisikleta.

Hindi na umano nakontrol ng biktima ang manibela ng bisikleta kaya dere-diretsong bumulusok sa poste na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon sa residenteng si Ramon Magdalena, nakatatakot at nakalulungkot ang nangyayari sapagkat limang buhay na ang nawala sa tinagurian nilang “killer poste” sa Sitio Gulod, San Jose Patag.

Aniya, ang apat pang biktima ng ‘killer poste’ ay kinilalang sina alyas Ricky F,  alyas Jayjay A., pawang taga-Sitio Gulod din, at dalawa pang mga residente sa Brgy. Catmon.

Dagdag niya, hindi na ito simpleng insidente ng disgrasya kundi malinaw na may problema na kailangang aksiyonan upang hindi na madagdagan pa ang biktima ng naturang ‘killer poste’.

Kaya panawagan ng mga residente sa mga kinauukulan, ayusin o ilipat ang poste dahil delikado ang kinatatayuan nito o kaya ay maglagay ng warning signs, ilaw, o harang para maiwasan ang disgrasya.

Nagtatanong rin ang mga residente kung sino ang may pananagutan sa bagay na ito, local government unit (LGU), electric company, o ang contractor?

Ani Magdalena, dapat may malinaw na imbestigasyon at dapat managot kung may kapabayaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …