Thursday , June 4 2026
EPD San Juan

Tirador ng mga kable ng telecom
Kagawad ng Maynila, 15 pa nasakote sa San Juan City

ARESTADO ang 16 kataong pinagsususpetsahang ‘tirador’ ng underground cable wire kabilang ang isang barangay kagawad sa Maynila at isang menor de edad sa isinagawang “Oplan Sipat Lungaw” sa San Juan City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), dakong 12:15 ng madaling araw nang maaktohan ang grupo sa isinasagawang pagnanakaw ng mga kable na kinabibilangan ng isang 48-anyos barangay kagawad sa Sta. Cruz, Maynila; isang menor de edad at 14 katao, sa Araullo St., Brgy. Addition Hills, San Juan City.

Isang alyas Pipoy ang pinaghahanap na sinabing lider ng grupo.

Ayon sa pulisya, isang concerned citizen ang nagsumbong sa ginagawa ng mga suspek at sa pagresponde ng mga awtoridad ay nadatnan ang pagpuputol ng underground cable ng mga telecommunications company na isinasakay sa isang closed van.

Narekober ang mga kable na tinatayang may kabuuang halagang P456,159.49. Kinompiska ang isang closed van, isang sasakyan, bolt cutter, steel bars, isang replika ng baril, at iba pang tools sa pagtungkab ng manhole.

Sa pagkakasakote ng grupo, pinuri ni PBGen. Aden Lagradante, District Director ng EPD ang pulisya ng San Juan CPS.

Ihahain sa San Juan Prosecutor’s Office ang mga reklamong paglabag sa Republic Act No. 10515 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013) at Article 308 ng Revised Penal Code (Theft) laban sa mga suspek, maliban sa isang menor de dad na nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …