NAGING bahagi ang NUSTAR Online sa isa sa pinakamalaking selebrasyon ng kultura at pagdiriwang ng mga Hapon sa bansa – ang Matsuri in Manila 2026, bilang Official Lifestyle Gaming Partner, na nagpapatibay sa pangakong magbigay ng makabuluhang karanasan na nagbubuklod sa entertainment, kultura, at komunidad.
Ang Matsuri in Manila 2026 ay may espesyal na kahalagahan sapagkat ginugunita nito ang ika-70 anibersayo ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Japan. Tinipon ng makasaysayang kaganapang ito ang libo-libong mga nakipista sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga pagkain, musika, pagtatanghal, cosplay at mga kulturang atraksiyon ng mga Hapon.
Tampok sa entertainment ang mga pagtatanghal mula kay Maki Otsuki, mga idol na sina Fairy Tales at Rin, gayundin ang mga Filipinong nagpakitang gilas sa pagkanta at pagpapatawa tulad nina Mayonnaise, Sunkissed Lola, at Alex Calleja.
Ang strategic partnership na ito ay nagpapatibay sa posisyon ng NUSTAR Online bilang isang lifestyle gaming brand na nag-uugnay sa mga manonood, higit pa sa mga tradisyonal na platform. Sa pamamagitan ng paghahanay sa isang pandaigdigang inspirasyong kultural na pagdiriwang, patuloy na gumagawa ang brand ng mga naka-eenganyong touchpoint na natutugunan ng premium entertainment ang shared passion and experiences.
“Matsuri in Manila 2026 represents the spirit of connection, celebration, and culture – values that resonate strongly with NUSTAR Online,” pagbabahagi ng NUSTAR Online brand. “We are proud to support an event that honors seven decades of friendship between the Philippines and Japan while bringing people together through culture and entertainment.”
Itinampok ng sponsorship na ito ang isang interactive booth na ang mga dumalo sa pagdiriwang ay nakisaya sa larong Plinko para sa pagkakataong manalo ng mga eksklusibong merchandise. Isa pa sa paborito ng nakararami ay ang high-angle photobooth na ang mga bisita ay maaaring kumuha ng kanilang larawan at makuha ang mga kopya ng kanilang printed na larawan.
Isa pa sa pinaka-highlight ng naturang programa ay ang Cosplay Contest na iginawad
ng NUSTAR Online sa nanalo ang premyo na P20,000 na cash, plake na “NUSTAR of the NIGHT” at eksklusibong NUSTAR Online merchandise.
Ang pista na ito ay nasa livestream sa opisyal na YouTube Channel ng NUSTAR Online, na siyang nagbigay pagkakataon sa mga manonood na maranasan ang pagdiriwang na ito in real time. Ang mga mahahalagang sandali at highlights ay itatampok rin sa NUSTAR Online: Exclusives, na nakatakdang ipalabas sa mga susunod na araw.
Ang partnership na ito ay sumasalamin sa patuloy na paggawa ng NUSTAR Online na makilahok sa mga makabuluhang kaganapan na ipinagdiriwang ang pagkakaiba, pag-angat ng mga karanasan at pagpapalakas ng kultural na ugnayan sa pagsali nito sa Matsuri in Manila 2026 na naglagay-marka sa espesyal na milestone na ang dalawang bansa at dalawang kultura ay nagsama sa isang hindi malilimutang pagdiriwang.
Patuloy na itinataas ng lifestyle gaming brand ang mga alok nito sa pamamagitan ng mga eksklusibong promosyon tulad ng Luxury Summer Getaway, na ang mga manlalaro nito ay may pagkakataong maranasan ang pananatili sa isang 5-star resort, ang NUSTAR Resort and Casino sa Cebu.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com