Thursday , June 4 2026
Bato dela Rosa

4 sumbong vs senators ibinasura
BATO PINASASAGOT KONTRA REKLAMO

NAKATAKDANG irekomenda ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kay Senador JV Ejercito Chairman ng Senate Committee on Ethics na pagpaliwanagin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga reklamong iniharap laban sa kanya.

Kabilang sa mga reklamong inihain laban kay Dela Rosa ang hindi pagpasok at pagdalo sa mga sesyon ng senado pero sa kabila nito’y patuloy pang tumatanggap ng suweldo.

Magugunitang simula pa noong Nobyembre matapos lumabas ang balitang mayroong warrant of arrest na inilabas ang International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa kaugnay sa kasong crimes against humanity gaya ng kasong kasalukuyang inililitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sotto, marapat na mapakinggan ang panig ni Dela Rosa ukol sa kasong isinampa laban sa kanya.

Aminado si Ejercito na pansamantala muna nilang ipinagpaliban ang pagtalakay ukol sa reklamo laban kay Dela Rosa upang hintayin ang sagot ng senador.

Apat na reklamo laban sa ilan pang mga senador ay agad nang ibinasura ng komite.

Isa sa tinukoy ni Ejercito ang reklamong iniharap laban sa kanya dahil itinuring nilang ang mga reklamo ay pawang ‘frivolous’ o walang sapat ba batayan.

Ngunit tiniyak ni Ejercito na maaring muling isampa ang mga nabasurang reklamo basta sundin lamang ang mga itinakdang requirements sa porma at nilalaman ng reklamo. (NIÑO ACLAN) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …