Thursday , June 4 2026
RabGel Rabin Angeles Angela Muji

RabGel sumabak sa matinding aksiyon, iba’t ibang emosyon makikita sa VOO

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IBANG-IBA sa karaniwang ginagawa ninaRabin Angeles at Angela Muji ang bagong project nila sa Viva One Originals: Rabgel kaya naman lalong nahasa at naipakita ng dalawa ang kanilang galing.

Kung hinangaan ang RabGel sa katatapos nilang movie na A Werewolf Boy noong Enero, at sa Wattpad series adaptation na Seducing Drake Palma, tiyak na mas ikagugulat ng manonood ang bagong proyekto ng dalawa.

‘Ika nga ng batang aktor, ibang Rabin ang mapapanood sa bawat episode sa kanilang anthology. 

Hindi naman naitago ni Angela ang excitement sa project na ito dahil sabi nga niya, bagong Angela lagi ang mamamalas sa bawat episode.

Ipamamalas ng RabGel ang kakayahang gumanap sa iba’t ibang genre habang inilalabas ang iba’t ibang emosyon

Excited ako kasi bawat episode, ibang Rabin ang makikita nila. Hindi lang ako naka-box sa isang role,” ani Rabin sa ginanap na Grand Mediacon sa Viva Cafe kamakailan.

Challenging pero fulfilling,” sabi naman ni Angela. “Parang bawat istorya may bagong Angela na kailangang buhayin.”

Ang RabGel ang mga bagong bibida sa anthology na Viva One Originals: RabGel na ang unang episode ay mapapanood sa May 15.

Ipapamalas nila ang kakayahang gumanap sa iba’t ibang genre habang inilalabas ang iba’t ibang emosyon. 

Binubuo ito ng apat na standalone episodes na magpapakita ng lakas ng kanilang tambalan at indibidwal na talento. Dalawang episodes ang magtatampok kina Rabin at Angela bilang magkapareha, habang ang dalawa pang episodes ay magkahiwalay na kwento na haharap sila sa mga panibagong hamon sa labas ng kanilang tambalan.

Sa direksiyon ng ilan sa mga hinahangaang direktor ngayon, kaabang-abang ang mga kwento na puno ng excitingat funmoments mula kina Rabin, Angela, at sa kanilang talented co-stars.

Sa episode na  Ang Rider Kong Hoodlumsasabak ang RabGel sa matinding action-romance. Si Angela ay gaganap bilang Celine, isang regular na pasahero ng motorcycle taxi rider na si Marco (Rabin). Masasaksihan ni Celine ang isang krimen at hihingi ng tulong kay Marco para makaligtas. Habang hinahanap sila ng mga kriminal, unti-unti rin silang mapapalapit sa isa’t isa. Ngunit sa gitna ng kanilang pagtatago, lilitaw din ang mga tanong tungkol sa nakaraan ni Marco. Sa paggabay ni Direk Philip King (Elevator, Tenement), huwag palampasin ang mga umaatikabong eksena ng RabGel.

Sa kwelang episode naman na Same Day Error na idinirehe ni Rayn Brizuela makakasama ni Rabin ang actor-comedian na si Jerald Napoles sa isang magulong araw sa buhay ng isang wedding videography team. Si Marlon (Rabin) ay isang binatang sabik patunayan ang sarili sa industriya kasama ang nakatatanda at accident-prone na partner, si Onyok (Jerald). Haharapin nilang dalawa ang isang wedding na puno ng magugulong bisita, sira-sirang equipment, demandingna groom, at nerbiyosang bride. Sa kanilang pagtutulungan na mairaos ang okasyon, muli nilang matutuklasan ang passionsa kanilang ginagawa at ang tibay ng kanilang pagkakaibigan.  Laugh out loud na sa Same Day Error sa May 22.

Sa My CEO Thinks I’m a Robotmakakapareha ni Angela ang batikang aktor na si Carlo Aquino sa isang kakaibang romcom mula kay Direk Gino Santos. Si Angela ay gaganap na Aiko, isang matalinong AI developer sa Labyu Tech na papayag magpanggap na robot kapalit ng pera. Siya ay maa-assign kay Ernest, ang kanyang crush at ang mailap na CEO ng kompanya na may dinadalang bigat mula sa nakaraan. Unti-unting makakahanap ng katuwang si Ernest sa inakalang robot, hanggang Mapapanod ito sa May 29.

At para makompleto ang mga kwento. muling ididirehe ng Seducing Drake Palma director na si Crisanto Aquino ang RabGel sa Us, Maybe. Ang romantic episode ay tungkol kay Tala (Angela), isang sikat na influencer na magiging “cancelled” matapos mabiktima ng mga edited screenshot at clips. Sa isang magulong fan meet, sasagipin siya ni Michael (Rabin), isang bagong videographer na may pagka-bargas pero may malambot na puso sa kanyang mga minamahal. Dahil sa malalang backlash, magtatago si Tala sa bahay ni Michael sa probinsiya, na lalalim ang kanilang ugnayan. Pakatutukan ang Us, Maybesa June 5.

Sa bawat episode, iba’t ibang emosyon ang mangingibabaw, at sa kanilang bawat pagganap, handang patunayan nina Rabin at Angela na marami silang kayang gawin bilang mga artista.

Apat na kwento sa loob ng apat na linggo, kasama ang isang minamahal na love team. Viva One Originals: RabGel – dapat abangan, hindi lamang ng kanilang loyal fans, kundi  lahat ng uri ng manonood. Ngayong May 15 na sa Viva One, na may bagong episode kada linggo.

I-stream ang seryeng ito sa mobile app o sa www.vivaone.ph. Mag-download na ng app at mag-subscribe sa App Store, Google Play, o Huawei App Gallery.

Sa kabilang banda, idolo pala ni Rabin si Sen. Robin Padilla at ito ang peg niya sa first anthology na Ang Rider Kong Hoodlum. Si Robin ang bumida sa Ang Utol Kong Hoodlum ng Viva kasama si Vina Morales.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …