Thursday , June 4 2026
JohnRey Rivas

JohnRey Rivas certified Librarian na

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ONCE again! The stage at the Blackbox Theater of Atty. Vince Tañada’s  Philstagers has been opened.

Para sa nga workshopper this summer.

Sa pamumuno ng presidente na si JohnRey Rivas o Jrey, sinimulan na ang oryentasyon para sa mga nagpa-register para sumalang sa ilang linggong  workshop na magtatapos sa isang grand recital at graduation Mayo 31, 2026.

Ginaganap ang workshop ng Lunes, Miyerkoles, Biyernes, at Sabado na may class proper, immersion,at weekly recital.

At  nilalamanan naman ng curriculum sa theater and film acting, voice training, dance training, film making, production and stage management, at digital content making at iba pa ang programa.

Nagbukas na ang klase na matatapos sa May 31, 2026. Isang buwan na workshop na lilinangin ng mga ipinagkakapuring miyembro sa ginagawa nila sa entablado ng Philstagers.

Para kay JRey, sabay-sabay na biyaya ang dumating sa buhay niya sa pagkakataong ito.

Sa pelikula (Ang Bangkay na umani ng nominasyon para sa kanyang pagganap sa Sinag Maynila 2026), entablado (pagtatapos ng Bonifacio: Ang Supremo na mayroog mahigit 700 na pagpapalabas), at ang musika. Sa tatlong piyesang (Ang Awiting Ito, Sabi Mo sa Akin, at Puso’t Isip Ko) kanyang nagawa na kalat na sa lahat ng music platforms.

Sa kabila ng lahat, pangulo ng PSF, Marketer, Aktor, Mang-aawit, Kompositor, isang certified Librarian na si JRey.

Ngiting lisensyado na!  Sabi niya nga. 

May lisensya na akong magpatahimik ng mga tao. Haha.

“Got my PRC License as Registered Librarian. Grabe. ‘Di lang ako makapaniwala na aabot pa tayo sa nag-iipon lang ako ng valid I.D nag-board exam pa ako talaga at nakapasa 😅. Hirap kasi sa bansang ‘to. Mag-aaply ka ng i.d hahanapan ka ng Valid Id. Aguy. 

“Ngayon lang pumapasok sa kamalayan ko na marami na palang mga pangarap na natutupad. Salamat Lord God! Salamat sa lahat. Kung kinaya ko. Kaya niyo rin! Sa mga magb-oboard exam diyan! Ito na ang sign papasa rin kayo! 🪬

Ngayon, san puwedeng mag-apply as part time Librarian? Hehe. Full-time Marketer kasi at actor po. 

Isang Artistang Librarian. Na may slash ganito. Slash ganyan.

Paano pa humihinga?

“Mantra ko. Is to take care of myself while taking care of everyone else.”

Maraming tao ang ‘ika nga ay naging “wind beneath his wings.” Nagpatatag sa bagwis na mayroon siya ngayon. Pamilya. Mga kapatid. Ang Malolos kung saan siya nananahan at nakapagpatayo ng isang komportableng tahanan. Ang entablado. Si Atty. Vince Tañada. Ang nabuong tiwala sa kanya. Kasama ang Philstagers family.

Na kayang-kaya niya. Kinaya.

Tapos na ba ang isang dula? May panibagong muli. Sa Rizal: 3000: sa Hunyo 2026. Dito kaya matutunghayan ang magsisipagtapos sa ginaganap na mga workshop sa kasalukuyan? 

Sasaliw sa anim na pelikilang sisimulan ng Philstagers. 

May patutunayan pa ba?

Hindi naman daw matatapos. Hangga’t may sining na ipinaglalaban! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …