Thursday , June 4 2026
Aksyon Agad Almar Danguilan

Mga bashers ni Chiz na-‘forthwith’ ng Korte Suprema

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NOONG siya ang Senate President, hindi naiwasan ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang sunod-sunod na batikos. Tinawag siyang obstructionist at pinaratangang pinoprotektahan umano ang mga dapat managot dahil sa kanyang pagdiin sa tamang proseso sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ngayon, malinaw na ang naging posisyon ng Korte Suprema. Ayon dito, ang “forthwith” sa impeachment ay hindi nangangahulugan ng agarang aksiyon na walang pagsunod sa proseso. Binigyang-diin ng Hukuman na kahit impeachment ay kailangan sumunod sa mga alituntunin ng Konstitusyon. Hindi ito maaaring isagawa nang padalos-dalos dahil lamang sa pressure ng politika.

Ito ang matagal nang ipinapahayag ni Escudero. Hindi puwedeng madaliin ang impeachment o i-railroad ang proseso tulad ng ginawa sa ilalim ng liderato ni dating House Speaker Martin Romualdez. Walang shortcut sa ganitong uri ng usapin.

Hindi rin dapat gamitin ang impeachment bilang kasangkapan sa politika. Ito ay isang proseso na may mga safeguard sa ilalim ng Saligang Batas.

Ang mga naging hakbang ni Escudero noon ay nakaangkla sa batas. Paulit-ulit niyang sinabi na hindi dapat maimpluwensiyahan ng sigaw ng publiko, ingay sa social media, o interes ng ilang grupo ang direksiyon ng impeachment. Hindi ito dapat gamitin para sa pansariling layunin.

Hindi rin nakapagtataka na habang lumalakas ang usapan tungkol sa kanyang pagbabalik bilang Senate President, dumarami rin ang mga pag-atake laban sa kanya.

May mga isyung bigla na lamang lumilitaw. Nariyan ang petition sa Supreme Court tungkol sa campaign donation na matagal nang sinabi ng Commission on Elections na walang iregularidad. Pati ang Ombudsman ay idinadawit ang kanyang pangalan sa isang kasong kapansin-pansing mahina. Samantalang si Romualdez ay matagal nang iniuugnay sa mga alegasyon na may sapat na ebidensya ng paglustay sa pondo ng bayan.

Nagkataon lamang ba ang lahat o bahagi ito nang mas malawak na plano para pigilan ang kanyang pagbabalik bilang Senate President? O sadyang sinisira ang kanyang pangalan para sa 2028 presidential elections?

Hindi mahirap unawain kung bakit may mga nag-aalala sa posibilidad na muli siyang mamuno sa Senado. Hindi si Escudero ang klase ng lider na papayag na gawing rubber stamp ang Senado. Hindi niya hahayaang maging ekstensiyon ng kapangyarihan ng kahit sino. Hindi rin niya papayagan na gawing sandata ang impeachment para sa pamomolitika.

Kung sakaling may umakyat muli na impeachment complaint sa Senado, batid na natin ngayon kung ano ang ating aasahan sa kanya. Pantay na pagtingin, mahigpit na pagsunod sa batas, at pagprotekta sa integridad ng institusyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …