Wednesday , June 24 2026
PAI Eric Buhain Akiko Thomson Anthony Reyes SII Manish Mahtani
ANG mga Olympian na sina PAI sec-gen Eric Buhain at Akiko Thomson (pangalawa sa kaliwa, una kaliwa) kasama sina Manish Mahtani (VP for Operations, Sprint International, Inc.) at PAI Executive Director Anthony Reyes matapos ang paglagda sa partnership. (PAI photo)

PH top Junior Swimmer raratsada sa National Open

CAPAS, TARLAC — Sentro ng atensyon ngayong weekend ang tagisan ng mga pinakamahusay na junior swimmers ng bansa  sa National Open Championships sa world-class na New Clark Aquatics Center.

Tampok  ang mga medalist mula sa iba’t ibang regional championships, kasama ang mga foreign-based na Filipino swimmers, sa kompetisyon na  magsisilbing opisyal na selection process para sa Philippine Junior Team. Ang mga makakaabot sa bronze medal SEA Age qualifying standards ng  nakaraang taon ay magkakamit ng puwesto sa koponan na isasalang sa ilang international tournaments ngayong taon, kabilang ang prestihiyosong Southeast Asian Age-Group Championships sa Singapore.

Binigyang-diin ni Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Secretary General at swimming icon na si Eric Buhain ang kahalagahan ng ganitong mga kompetisyon sa paghubog ng talent ng mga Kabataang Pinoy.

“Ang grassroots development ang nananatiling pundasyon ng aming programa,” ani ng two-time Olympian at Philippine Sports Hall of Fame awardee. “Ang mga kaganapang tulad ng National Open ay nagbibigay sa ating mga batang swimmers ng pagkakataong makipagkumpitensya sa mataas na antas at ihanda sila sa hamon ng international competition. Dito natin natutukoy at nade-develop ang mga susunod na pambansang atleta.”

Mangunguna sa hanay ng mga kalahok sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, Speedo, at MVP Sports Foundation ang 16-anyos na si Kyla Bulaga, ang pinakabatang miyembro ng Philippine team sa nakaraang Southeast Asian Games. Inaasahan niyang makakaharap ang matinding kompetisyon mula sa Most Outstanding Athlete ng National Academy of Sports na si Rhianna Coleman at sa rising star ng Southern Visayas na si Kacie Gabrielle Tionko.

Para kay PAI President Miko Vargas, higit pa sa isang selection meet ang kampeonato—ito ay bahagi ng mas malawak na layunin na palakasin ang pundasyon ng swimming sa Pilipinas.

“Nakatuon kami sa pagbuo ng isang sustainable system na nagsisimula sa grassroots level,” ani Vargas. “Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng pinakamahusay na batang swimmers mula sa iba’t ibang panig ng bansa, hindi lamang namin itinataas ang antas ng kompetisyon kundi tinitiyak din na ang oportunidad ay bukas sa lahat ng may talento at dedikasyon.”

Samantala, inihayag ni PAI Executive Director Anthony Reyes ang isang estratehikong pagbabago sa kalendaryo ng federation, kung saan kinansela ang lahat ng regional open swimming competitions. Sa halip, tutungo agad ang mga aktibidad sa PAI Open Water Swimming Championship Tryouts na gaganapin sa Hunyo 5-7 sa New Coast Boracay sa Aklan.

“Ginawa ang desisyong ito bilang konsiderasyon sa kasalukuyang sitwasyong pang-ekonomiya upang mas masuportahan ang ating mga swimmers at kanilang mga pamilya,” paliwanag ni Reyes, at idinagdag na layunin ng hakbang na ito na gawing mas simple ang mga kompetisyon habang binabawasan ang gastusin ng mga kalahok. (PAI/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …