MATABIL
ni John Fontanilla
NAGBABALIK ang The Gutierez Celebrities and Media Production ni Madam MJ Gutierrez pagkatapos ng ilang taong pananahimik.
Kuwento ni Madam MJ, “Medyo nanahimik kami for awhile dahil kailangan kong asikasuhin ang iba kong negosyo and inalagaan ko rin ang father ko.
“Bukod sa nag-abroad din ako para magbakasyon at ma-recharge.
“At ngayon nga ay okey na lahat kaya GCAMP is back with new projects.”
Ayon kay Madam MJ may mga pelikula silang gagawin, talk show, variety show, teen show at iba pa.
Si Madam MJ ang nag-produce ng awardwinning variety show na S.M.A.C Pinoy Ito! at alaga nito ang nanalong Best New Movie Actor sa Star Awards Movies na si Mateo San Juan.
Ang GCAMP ay isang established media production na humahawak ng celebrities at social media influencers at nagpo-produce ng TV shows, movies, at mall shows.
Nag-o-offer din sila ng workshops sa acting, singing, at dancing.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com