Friday , June 12 2026
Panawagan ng NWC SAHOD ITAAS BUWIS IBABA WELGA ISULONG
NAGKAISA ang pinakamalalaking sentro ng kilusang paggawa sa ilalim ng National Wage Coalition (NWC) sa iisang sigaw: “Sahod itaas! Buwis ibaba! Welga, buong bansa!” sa inilunsad na pulong kahapon. Binubuo ang NWC ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), NAGKAISA Labor Coalition, Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), National Confederation of Labor (NCL), Partido Manggagawa (PM), at Federation of Free Workers (FFW) — nagkakaisang itulak ang kagyat na pagtaas ng sahod sa gitna ng naglalagablab na krisis. Target ng koalisyon ang 20,000 manggagawa at magsasaka na magtitipon sa Liwasang Bonifacio bago magmartsa patungong kalye ng Mendiola — isang direkta at simbolikong hamon sa kapangyarihan ng Malacañan Palace. (Mga kuhang larawan ni TEDDY BRUL)

Panawagan ng NWC
SAHOD ITAAS BUWIS IBABA WELGA ISULONG

NAGBANTA ang sektor ng paggawa na ‘dadagundong sa lansangan ang libo-libong mga manggagawa’ na aarangkada sa sentrong kabiserang lungsod ng bansa at sa Kalakhang Maynila na magtutungo sa Mendiola, malapit sa pasilyo ng Malacañang, kontra krisis at kapabayaan ng gobyerno sa darating na Unang Araw ng Mayo para ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa.

Sa isang pulong kahapon, muling nagkaisa ang pinakamalalaking sentro ng kilusang paggawa sa ilalim ng National Wage Coalition (NWC) sa iisang sigaw: “Sahod itaas! Buwis ibaba! Welga, buong bansa!”

Binubuo ang NWC ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), NAGKAISA Labor Coalition, Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), National Confederation of Labor (NCL), Partido Manggagawa (PM), at Federation of Free Workers (FFW) — nagkakaisang itulak ang kagyat na pagtaas ng sahod sa gitna ng naglalagablab na krisis.

Target ng koalisyon ang 20,000 manggagawa at magsasaka na magtitipon sa Liwasang Bonifacio bago magmartsa patungong kalye ng Mendiola — isang direkta at simbolikong hamon sa kapangyarihan ng Malacañan Palace.

Giit ni Carlos Miguel Oñate, lalo pang ibinabaon ng administrasyon ni Ferdinand Marcos, Jr. sa kahirapan ang mga manggagawa dahil sa kawalan ng kongkretong aksiyon para sa nakakabuhay na sahod.

Samantala, inianunsiyo ni Jerome Adonis na sasambulat ang malawakang pagkilos sa Kamaynilaan at mga pangunahing lungsod sa mga probinsiya —bitbit ang panawagang Welgang Bayan.

Aniya, “Pero hindi ito ordinaryong welga — ito’y panawagan ng sambayanang inaapi: W – Wage hike now! Itaas ang sahod tungo sa national living wage;

E – End VAT at excise tax! Ibaba ang buwis sa mamamayan; L – Lagyan ng buwis ang dambuhalang kita! Singilin ang mga korporasyong kumikita sa krisis;

G – Gawing abot-kaya ang bilihin! Ipatupad ang price control; A – Arestohin ang mga kurakot! Ikulong at bawiin ang ninakaw sa bayan.

Babala ng mga manggagawa: “Kung patuloy na magbingi-bingihan ang gobyerno — hindi kami mangingimi, “Welgang Bayan” ang kasunod!” (TEDDY BRUL)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Asia Pacific Padel Cup APPC Padel Pilipinas

Pilipinas nakatakdang mag-host ng Asia Pacific Padel Cup 2026

HANDA na ang lahat para sa Asia Pacific Padel Cup (APPC) 2026, habang naghahanda ang …

Puregold OPM Con Generations

Mula grocery cart tungong concert
Libreng tiket sa Puregold OPM Con Generations paano makukuha?

SIMULA na ng pag-aabang sa kapana-panabik na Puregold OPM Con Generations!  Habang naghahanda ang mga tagahanga …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted na manyakis, arestado

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa …

DPWH Bulacan

Sa maanomalyang flood control projects  
2 Bulacan DPWH Officials sumuko kalaboso na kasama ni Discaya

ni MICKA BAUTISTA DALAWA pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …