MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMING maganda at mabubuting salita ang namutawi sa labi ng award winning director na si Louie Ignacio sa pakikipagtrabaho kay McCoy de Leon sa pelikulang Flying Red Balloon.
First time na nakatrabaho ni direk Louie si McCoy, pero naging maganda at maayos daw ang kanilang trabaho dahil sa napakabait, magaang katrabaho, professional, at mahusay makisama.
Post nga ni direk Louie sa kanyang Facebook account, inisa-isa nito ang iba pang mga katangiang nagustuhan niya sa pakikipagtrabaho sa aktor.
“First time ko makatrabaho si Macoy de Leon at eto ang TOTOONG masasabi ko sa kanya…
marespeto sa Director at sa buong staff
napakahusay na Actor
napaka PRO – laging maaga sa set at memorize ang script
magalang at nakikipagbiruan sa buong staff
hindi maarte kahit saan mo ilagay na location
hindi feeling superstar at napaka humble
napakabait
mahal sya ng buong team
“Thank you Marc Carlos De Leon my Teng Teng sa FLYING RED BALLOON ”
Gusto pa ring makatrabaho muli ni direk Louie si Macoy sa iba pang proyekto.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com