ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ng magandang newbie na si Bree Barrameda na masayang-masaya siya na ang seryeng “Hell University” sa Viva One app ang unang naging project niya sa showbiz.
Although aminado ang 19-year-old actress, na na-culture shock siya noong una dahil sa kawalan ng experience sa pag-arte.
Aniya, “Noong una po ay na-culture shock po talaga ako, as someone na walang acting experience. Pero habang tumatagal ay nag-e-enjoy na po ako sa pag-arte.
“Actually, super-happy po ako na Hell University ang naging first project ko, kasi mahilig po talaga ako sa mystery thriller and honored po ako na i-adapt ‘yung ganitong klaseng genre.”
Nabanggit din ng talent ni Ms. Len Carrillo, na ngayon ay nakapag-acting workshop na siya.
“Yes po, natapos ko po so far iyong basic acting workshop sa Viva,” matipid na wika niya.
Masasabi ba niyang swak sa kanya ang project na ito dahil pang GenZ?
Tugon ni Bree, “Yes po, swak po talaga sa akin ang project na ito, kasi mostly GenZ din po na kagaya ko ang mahilig sa Wattpad adaptation.”
Kanino siya naging close talaga sa seryeng ito?
“I’m close with everyone naman po, pero pinaka-naging close ko po talaga sa cast is si ate Rafa
Victorino, Ashanti Gorospe, and Raya Jemima po.
“Yes po, parang naging magbarkada kami, kasi mostly sila lagi ang nakakasama ko sa tent. So, mas nakaka-bonding ko po talaga sila.”
Nabanggit din ng dalaga ang most memorable experience niya sa Hell University.
“Ang most memorable experience po talaga for me is noong the night before my birthday, kasi nasorpresa po ako ng prod and ng casts, which I didn’t expect talaga.
“Sobrang na-surprise ako, kasi ‘yun din po ‘yung first time na ma-surprise ako with so many people sa special na occasion sa akin. So, my heart is full po talaga that day.”
Saludo rin si Bree sa co-stars niya rito, pati na sa kanilang direktor na si Bobby Bonifacio, Jr.
“Lahat po ng casts sa Hell University is very easy to work with and super-approachable po lahat and ang babait nila.
“Si direk Bobby Bonifacio, Jr. naman po, he’s really a soft spoken kind of director and professional po. When it comes to work, pure work po talaga, and kapag off cam naman po, masaya siyang ka-bonding.”
Ayon pa kay Bree, supportive talaga si Direk Bobby, lalo na sa mga newbies na tulad niya.
“Yes po, very supportive po sa amin si direk and when it comes sa aming newbies, mas hinahabaan niya po talaga ang patience niya. Plus, willing po si Direk na turuan kami for our own good.”
Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career?
“Gusto ko po talagang magkaroon pa ng more projects soon and explore different kinds of roles and genres… and hoping po ako na maraming sumuporta sa akin sa journey ko pong ito sa mundo ng showbiz,” nakangiting pahayag pa ni Bree.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com