Thursday , June 4 2026
Arrest Posas Handcuff

Sangkot sa carnapping, anti-fencing law
ONLINE SELLER ARESTADO

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking sangkot sa kasong carnapping at paglabag sa anti-fencing law sa isinagawang follow-up at entrapment operation sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng hapon, 26 Abril.

Sa ulat na isinumite ni P/Lt. Col. Nelson Sardin, hepe ng Pandi MPS, kinilala ang suspek na isang 25-anyos online seller, residente sa Brgy. Bambang, Bulakan, Bulacan.

Isinagawa ang operasyon kasunod ng iniulat na carnapping ng motorsiklo mula sa isang 40-anyos complainant na residente sa Brgy. Cupang, Pandi, Bulacan.

Matapos matanggap ang ulat, agad nagsagawa ng follow-up operation ang Pandi MPS na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nabawi sa suspek ang ninakaw na motorsiklo, isang kulay itim na Suzuki Skydrive, may plakang 645TZD, na nakarehistro sa pangalan ng biktima.

Ang nasabing motorsiklo ay may kaukulang dokumento ng bentahan, ngunit napag-alamang ito ay may kinalaman sa naunang naiulat na carnapping incident.

Agad na dinala ang suspek sa Pandi MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1612 (Anti-Fencing Law) at RA 10883 (New Anti-Carnapping Act) laban sa kaniya.

Muling pinagtibay ng Bulacan PPO sa pamumuno ni P/Col. Jay Baybayan, officer-in-charge, ang mas pinaigting na kampanya laban sa mga krimeng may kaugnayan sa pagnanakaw ng sasakyan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …