Thursday , June 4 2026
Mariveles Bataan Fake tampered LPG

Sa Mariveles, Bataan
5 timbog sa peke, tampered na tangke ng LPG

NASAKOTE ng mga awtoridad ang limang indibiduwal sa isang operasyon laban sa mga ilegal na bentahan ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa bayan ng Mariveles, lalawigan ng Bataan kasunod ng mga ulat ng hindi awtorisadong pamamahagi ng mga tampered at pekeng tangke ng LPG.

Isinagawa ang operasyon ng magkasanib na elemento ng RSOG-RID3, CIDG Bataan PFU at Mariveles MPS matapos ang reklamo mula sa isang brand protector tungkol sa pagbebenta ng mga pekeng produktong LPG sa isang gas sales center sa Brgy. Alasasin, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat na ipinadala kay PRO3 Director P/Gen. Jess Mendez, nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba kung saan matagumpay na nakabili ang isang nagpanggap na buyer ng isang LPG cylinder na kalaunan ay natuklasan na tampered at may counterfeit seal.

Humantong ito sa agarang pag-aresto sa mga suspek kasunod ang pag-inspeksyon ng mga awtoridad sa lugar hanggang natuklasan sa loob nito ang patuloy na aktibidad ng pagre-refill at alteration activity ng mga tangke.

Narekober mula sa lugar ang daan-daang tangke na may iba’t ibang laki, isang delivery truck na puno ng mga tampered container, kagamitan sa pag-refill, at mga materyales na ginamit para sa muling pagseselyo at pagpipinta.

Ayon pa sa ulat, ang kabuuang tinatayang halaga ng mga nakompiska ay umabot sa P4.5 milyon.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Revised Penal Code, RA 623, at Batas Pambansa Blg. 33 laban sa mga naarestong indibiduwal.

Binigyang-diin ni P/Gen. Mendez ang kabigatan ng pagkakasala, at nagbabala na ang mga ilegal na operasyon ng LPG ay direktang pagbabanta sa kaligtasan ng publiko.

“Hindi ito simpleng ilegal na negosyo. Delikado ito—maaaring magdulot ng sunog o pagsabog na maglalagay sa panganib ng buhay at ari-arian,” ayon sa opisyal. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …