SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
KOMPORTABLE, masaya, pamilya. Ito ang tiniyak ni Enrique Gil sa kanyang pagbabalik-telebisyon. Bukod pa na isang romantic-comedy ang pagbabalik-seryeng pagbibidahan niya.
Nasunod ang lahat ng ito sa romantic-comedy series na A Secret in Prague na pagbibidahan nila ni Andrea Brillantes.
Masayang-masaya si Enrique sa kanyang pagbabalik-television via TV5 na first time niyang makakatrabaho si Andrea.
“Dito ako in a way, nasanay, eh. So, to be back doing it and so with the new cast, of course, with a new partner.
“’Yung production team po na kinuha namin, ‘yung ating mga crew, mga direktor, ‘yung mga AD (assistant director), ‘yung mga pagdating sa camera, naka-work na po namin from the previous network. I grew up na kasama sila, so parang isang malaking reunion din po para sa akin ‘yun,” masayang wika ni Quen.
“Gusto ko, pagbalik ko, parang good memories lang, happy ‘yung set, happy vibes, ‘yun talaga ang no. 1 na non-negotiable ko. Talagang I made sure na I felt comfortable lang, parang pamilya,” dagdag pa ng aktor.
At dahil bagong leading lady ang kapareha ni Quen kinamusta ito ng entertainment press.
“It feels good, it feels okay and alright. Actually, before the loveteam, sanay na po ako na lagi po akong pine-pair sa lahat usually, eh.
“So, sanay na rin po akong, you know, iba-iba ‘yung ano (kapareha).
“Pero medyo matagal lang kasi, eh, matagal bumalik ulit sa ganito.
“So, parang nag-full circle ‘yung buhay ko, parang back to how it was before.
“So, it’s very refreshing po,” sabi pa ni Quen.
Isa pa sa ikinatuwa ni Enrique ay suportado siya ng kanyang fans para maka-loveteam, makatrabaho si Andrea.
Unang pagtatambal nga uto ng ultimate heartthrob na si Enrique at si Gen Z QueenAndrea.
Gaganap si Enrique bilang si Mikoy, isang masipag at pursigidong anak at kapatid na lumipad papuntang Prague para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Mahaharap sa panganib si Mikoy sa Prague nang atasan siya ng isang secret organization para bantayan ang fierce at fearless na anak ng isang mafia na si Chiara (Andrea).
Ang A Secret in Pragueay co-produced ng Slingshot Studios (na partner din si Enrique), isinulat ni Mark Duane Angos, at idinirehe nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria.
Mapapanood ang A Secret in Prague mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., pagkatapos ng Frontline Pilipinas, na magsisimula ngayong gabi, Abril 27.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com