Thursday , June 4 2026
Bike Wheel

13-anyos siklista, tepok sa salpok ng trak

PATAY ang isang 13-anyos na batang lalaki na nakasakay sa bisikleta matapos sumalpok sa nakaparadang dump truck sa Bulacan.

Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Jess Mendez, Central Luzon police director, kinilala ang nasawi bilang isang Grade VII student na naninirahan sa Barangay Gabihan, San Ildefonso, Bulacan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sakay ng kanyang bisikleta ang biktima sa kahabaan ng M. Valte Road, Barangay Gabihan sa nasabing bayan dakong alas-7:30 ng gabi nang aksidenteng mabangga ang isang nakaparadang Shacman dump truck na may plakang NAD 6734 na sumasailalim sa pag-aayos ng gulong na minamaneho ni Juan Tagao.

Ang banggaan ay nagdulot ng nakamamatay na pinsala sa biktima na agad na isinugod sa R. De C. Galvez Medical Center para magamot ngunit kalaunan ay idineklara itong patay ng attending physician.

Ang driver ng dump truck ay inilagay sa kustodiya ng lokal na pulisya para sa imbestigasyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …