Thursday , June 4 2026
NLEx bridge tulay

Suspek sa pambabato ng sasakyan sa NLEX tutukuyin sa imbestigasyon

INIIMBESTIGAHAN ng Police Regional Office (PRO) 3 PNP ang insidente ng pagbato sa isang sasakyang bumibiyahe sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) noong nakaraang Lunes, 13 Abril.

Ayon sa ulat, binato ng bakal ng mga hindi kilalang indibiduwal ang windshield ng sasakyan ng GZ Ace Valenzuela noong isang linggo habang binabaybay nito ang NLEX patungong timog malapit sa San Simon exit, sa lalawigan ng Pampanga.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng parallel investigation ang pulisya upang matukoy ang mga responsable at alamin kung may kaugnayan ito sa iba pang kahalintulad na insidente.

Pinalakas na rin ng PRO 3 ang koordinasyon nito sa pamunuan ng NLEX at SCTEX, at sa iba pang stakeholders, upang matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon sa insidente.

Inatasan ang mga police unit sa lugar na dagdagan ang kanilang presensiya sa mga overpass, lalo tuwing peak hours at sa gabi.

Pinaigting din ang joint patrol at monitoring kasama ang expressway authorities, habang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang seguridad sa mga overpass sa kani-kanilang nasasakupan.

Kasama sa mga hakbang ang pakikipagtulungan sa mga opisyal ng barangay at mga community watch group upang mapabilis ang pag-uulat at maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Tiniyak ng PRO 3 sa publiko na ipinatutupad ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maiwasang maulit ang insidente at mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista.

Hinimok ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa mga hotline ang mga kahina-hinalang aktibidad. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …