SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NAKATUTUWA ang sobrang excitement ni Kris Aquino ngayong tila pumapag-ibig na ang kanyang bunsong si Bimby.
Hindi kasi nito napigilan ang sarili na ibuking na special girl na si Bimby sa mismong kaarawan ng kanyang anak.
Bagama’t hindi ipinakita o tinakpan ni Tetay ang mukha ng gusto niyang maging girlfriend ni Bimby nahulaan naman ng netizens kung sino ang tinutukoy ng dating aktres/host.
Ang special girl na tinutukoy ay walang iba kundi si Cassandra Ynares, panganay na anak nina Antipolo City Mayor Junjun Ynares at Andrea Ynares.
May post si Kris sa kanyang Instagram account ng picture ni Bimby noong birthday nito, April 19, na may kasamang girl. Subalit may takip na heart emoji ang mukha ng babae.
May caption ang picture ng, “Happy Birthday Bimb!”
At dahil may heart emoji ang mukha ng babaeng kasama ni Bimby sa picture, may hula ang netizens na iyon si Cassandra.
Nakita na kasi ng netizens na nagkasama sina Bimby at Cassandra nang dumalo sa caucus sa Sitio Mansetta, Brgy. Cupang, Antipolo noong kasagsagan ng kampanya para sa 2025 midterm elections.
Si Kris din ang nagbuking sa babaeng gusto ng kanyang bunso. At hindi siya napigil na ibuking ang anak.
Ani Kris, “I never thought I’d be excited for the day when Bimb really likes a girl. He told me he feels she’s ‘special’ – my birthday wish for my bunso is that she does become his first girlfriend and who knows, God willing, also his last- yes, I’ll be very blessed to have her for my daughter-in-law (in 7-9 years?).
“I’ve been asking Bimb the past couple of weeks if ‘we’ can send her flowers, balloons, candies/chocolates, food, 1/2 of a couple hoodie in white since it’s summer, I asked Bimb if she had a new phone- he freaked and said: ‘Mama, chill. You’ll overwhelm her because she’ll know it’s not from me but from you. Please let it flow?’”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com