Thursday , June 4 2026
Jodi Sta Maria Sanya Lopez Loisa Andalio Jane Oineza Midnight Girls

Jodi, Sanya, Loisa, Jane ‘nagtrabaho’ sa omise para sa Midnight Girls  

MAGANDA, maayos, nakae-entertain, at  may matutunan sa pelikulang Midnight Girls na pinagbibidahan nina Jodi Sta Maria, Sanya Lopez, Loisa Andalio at Jane Oineza at idinirehe ni Irene Villamor. 

Kahanga-hanga ang mga ginawa ng apat na bida ng pelikula lalo ni Jodi na maraming bagay na hindi naman karaniwang ginagawa niya sa telebisyon o pelikula.

Mga hostess ang role nina Jodi, Sanya, Loisa, at Jane at naibahagi ng una na nag-immerse sila bilang mga tunay na hostess sa Japan bilang paghahanda sa kanilang role at para na rin mas maunawaan ang buhay ng mga Filipina entertainer sa ibang bansa.

Sa Press Screening at Media Launch ng Midnight Girls na ginawa sa Gateway Cinema 18 noong Miyerkoles, ibinahagi ni Jodi ang kanilang karanasan o immersion nang magtrabaho bilang mga tunay na hostess sa isang omise. 

“So, we spent parang three nights sa isang omise, na roon kami nagtatrabaho (pelikula). Walang nakaaalam sa mga Japanese client na pumunta roon kung sino kami or kung bakit kami naroon. Ang alam lang nila, mga bago kaming salta na babae,” panimulang pagbabahagi ni Jodi.

Kasama sila sa mga pumila para piliin ng mga customer kaya natututo rin sila kung paano mag-entertain.

“So, kailangan naming mag-show up, na kailangan naming pumila at pipili ‘yung Hapon kung sino sa amin ang gusto niyang maka-table. May part din na ie-entertain mo talaga sila. 

“Kaya lang ang trick lang talaga ng language barrier. Pero hindi naman kami pinabayaan ng mga ‘mama’ namin doon. In-assist talaga nila kami,” anang aktres.

Bukod sa pag-entertain, kasama rin sa mga ginawa nia ang kmanta at sumayaw at gumawa ngmini-show.

“Doon namin na-experience na ‘yung mga chopstick, isinisingit nila. Kasi ‘yun ‘yung parang tip (pera). At dahil don sa immersion namin, nagpapasalamat din ako dahil one month akong hindi gumastos… So, kumita rin ako sa Japan,” natatawang pagkukuwento ni Jodi.

Sinabi pa ni Jodi na agad nakatawag-pansin sa kanya ang kakaibang role sa pelikula kaya naman agad niya itong tinanggap kahit pa nga may mga ‘first’ na bagay siyang gagawin bukod pa sa ukol ito sa istorya ng mga babaeng nagtatrabaho sa Japan.

 “When it was first pitched to me sabi ko, kakaiba. It’s something that I’ve never done before. And it’s about time to really just bring out, ‘yung stories ng mga babae sa Japan,” aniya.

 “Kung titignan mo talaga sa mas malaking lente, tinatackle rito yung sakripisyo, ‘yung sitwasyon ng mga OFWs natin.

“We really had to treat this story with so much respect kasi story ito ng buhay ng bawat Filipino na nasa labas ng bansa natin.

“We also wanted to humanize. Kasi sometimes mayroong mga stigma. Na ang mga taong ito ay sasakripisyo, hindi lamang para sa sarili pero para sa mga mahal nila sa buhay,” wika pa ni Jodi.

At isa sa pinaka-challenging at kinabahan si Jodi ay ang eksenang sumayaw sila ng Bakit Papa ng Sexbomb Girls. 

“Sa lahat ng mga scene na ginawa ko, parang ‘yun ‘yung talagang pinaka-dinaga ako. Everyday, ipinagdarasal ko na sana, not today, not today.” 

“But wala ka naman ibang choice eh. Kailangan talagang gawin mo. So, thank you, direk for giving me a chance to be a Sexbomb dancer for one day.”

Napansin naman ni Jane ang kakaibang ingay kapag nasa trabaho at kapag nakauwi na ang mga tulad nilang entertainer.

Aniya, “‘Pag nasa omise ka, ang ingay-ingay, Tapos ‘pag-uuwi ka na biglang ang tahimik.”

Sobrang ninerbiyos naman si Sanya habang ginagawa ang pelikula.

“Totoo po ‘yung kaba namin doon bilang entertainer at nandoon mismo ‘yung mga entertainers.”

Ang puso ng kuwento ay nakasalalay sa nagbabagong buhay ng mga apat na kababaihan. Ito sina Vicky (Jodi) na nagawang magkaroon ng stable life bagamat binabagabag ng pagkakalayo nila ng kanyang anak na iniwan sa Pilipinas. Si Paris (Sanya) naman ang nalalabuan kung ano ang pipiliin, ang trabaho ba o ang isang bagong pag-ibig  o isa lamang magandang ilusyon. Si Saki (Jane) na hirap na hirap itago ang totoong gender at pumigil sa totoong nararamdaman sa kasamahan sa Midnight Girls sa takot na i-reject siya ng mga itinuring na pamilya. At si Wanna (Loisa) ang bagong salta na nagpapaalala sa nakaraan ni Vicky.

At habang nagbabago ang city ng Nagoya gayundin ang Midnight Girls Higit pa sa kanilang katauhan sa gabi, makikita sa pelikula ang mga tahimik, mga kuwento ng tao kung sino talaga ang mga babaeng ito. Sila ay mga anak na babae na nagpapadala ng pera sa bahay, mga ina na nawawala ang mga milestone at mga umiibig na pinipigilan ang mga damdamin para sa kapakanan na mabuhay.

Matapos ang mga taon ng pagpapakahulugan ng mga pinaglilingkuran nila at ang kanilang mga sakripisyo para sa iba, maitatanong sa kuwento: kailan sila magkakaroon ng lakas ng loob na piliin ang kanilang sarili?

Ang mga karakter ay hango sa totoong buhay na mga Filipina entertainer, na ang pelikula ay nagpapakita rin ng mga panayam sa kanilang totoong buhay. Mpapanood na ang Midnight Girls sa May 13. (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …