I-FLEX
ni Jun Nardo
TODO-PURI ng lady boss ng Regal Entertainment Inc., na si Roselle Monteverde ang tambalan nina Fyang Smith at JM Ibarra sa movie nilang Almost Us.
“They we’re cooperative at ang galing-galing. Kahit may ginagawa silang series, they gave their full time in finishing the film,” saad ni Madame Roselle bago humarap ang dalawang bida sa mediacon.
Eh ang magaling na director na si Dan Villegas ang nagdirehe ng movie na cute na cute ang trailer.
Of course, itinanggi ng dalawa na may relasyon na sila.
Sey ni JM, nililigawan pa niya si Fyang hindi totoo na living in na sila!
Sasambulat na sa big screen sa May 6 ang Almost Us kaya naman naghahanda ang fans ng dalawa para magkaroon ng maraming block screenings bilang suporta sa mga idolo.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com