Thursday , June 4 2026
Fake Cigarette, yosi, sigarilyo

Sa Nueva Ecija
Ilegal na kalakalan ng pekeng yosi sinuyod

ARESTADO ang apat na indibiduwal ng mga operatiba ng Nueva Ecija PPO at kinompiska ang iba’t ibang peke at hindi binubuwisang sigarilyo sa magkakahiwalay na operasyon laban sa ilegal na kalakalan nitong Sabado, 11 Abril.

Dakong 2:15 ng hapon kamakalawa, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Licab MPS sa Brgy. Poblacion Norte, Licab, Nueva Ecija, kung saan pinara nila ang isang motorsiklong Bajaj na may sidecar para sa beripikasyon, ngunit tinangka ng drayber na tumakas at kalaunan ay naharang ng mga nagrespondeng opisyal.

Nang inspeksiyonin, natuklasan ng mga awtoridad ang iba’t ibang sigarilyo sa loob ng isang bag sa sidecar.

Narekober ang 11 ream ng iba’t ibang sigarilyo (Modern Black, RGD Red, at RGD Black) na tinatayang nagkakahalaga ng P5,830, pinaniniwalaang mga ipinupuslit o pekeng produkto.

Sa parehong araw, nagsagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Gapan CPS sa Brgy. San Nicolas, Gapan, Nueva Ecija, nang mapansin nila ang ilang kahon ng mga produktong sigarilyo sa harap ng isang tindahan na pagmamay-ari ng isang 40-anyos lalaking tindero, residente sa nasabing barangay.

Nang inspeksiyonin, naglalaman ang mga kahon ng 43 reams ng iba’t ibang tatak ng sigarilyo na walang tax stamp, tinatayang nagkakahalaga ng P34,400.

Samantala, dakong 11:00 ng umaga, nagsagawa ng checkpoint operations ang mga tauhan ng Talavera MPS sa Brgy. Lomboy, Talavera, Nueva Ecija, kung saan naharang ang isang kulay rosas na Yamaha Mio Sporty motorsiklo, ngunit nagtangkang umiwas ang 39-anyos lalaking rider mula sa Brgy. Dalampang, Cabanatuan.

Nang inspeksiyonin, natagpuan sa kaniyang pag-iingat ang mga pekeng sigarilyo, kabilang ang mga tatak na Modern at Carnival, na tinatayang nagkakahalaga ng P8,000.

Habang nagsasagawa ng anti-criminality checkpoint ang mga tauhan ng San Jose CPS sa San Jose–Lupao Road, Brgy. Sto. Niño 3rd, San Jose, Nueva Ecija, hindi huminto ang isang motorcycle rider, dahilan para magkaroon ng maikling habulan na humantong sa pagkakaaresto sa 30-anyos tinderong residente sa Brgy. San Pascual, Talavera.

Narekober ng mga awtoridad ang isang kahon na naglalaman ng 38 reams ng mga pekeng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P12,000.

Bukod dito, hiwalay na boluntaryong pagsuko ng mga ilegal na sigarilyo ang naitala sa Bongabon MPS at Guimba MPS, kasabay ng patuloy na kampanya laban sa mga ilegal na produktong tabako.

Sa Bongabon MPS, 13 reams ng sigarilyong Nelson (pula) at dalawang reams ng sigarilyong Carnival (puti) na may kabuuang tinatayang halaga na P6,650 ang kusang isinuko; habang sa Guimba MPS, pitong reams ng sigarilyong hindi binubuwisan na binubuo ng apat reams ng “Timeless Time Strawberry” at tatong reams ng “New Orleans” na tinatayang nagkakahalaga ng P3,500 ang isinuko rin sa mga awtoridad para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.

Pahayag ni P/Col. Ritchie Claravall, provincial director ng Nueva Ecija PPO, ang pagprotekta sa ekonomiya ay nangangahulugan ng pagprotekta sa mga tao.

Kaya inutusan niya ang mga yunit ng pulisya sa Nueva Ecija na paigtingin ang mga operasyon ng checkpoint, palakasin ang mga pagsisikap sa paniktik, at protektahan ang mga pangunahing ruta sa paglaban sa ilegal na kalakalan.

Idinagdag ng opisyal na ang mga inisyatibong ito ay nananatiling naaayon sa mga direktiba ni P/BGen. Jess Mendez, Regional Director ng PRO3, at ng PNP Focused Agenda, “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …