Thursday , June 4 2026
QCPD Quezon City

P.9-M ilegal na droga, nasamsam sa 2 tulak

RESULTA NG PATULOY na kampanya ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa ilegal na droga, dalawang lalaking tulak ang naaresto matapos makompiskahan ng mahigit P903,000 ng droga, sa magkahiwalay na operasyon sa Novaliches.

Sa ulat kay PBGEN Randy Glenn Silvio, QCPD District Director, mula kay PLt. Col. Dave Capurcos, hepe ng Novaliches Police Station 4, naunang nadakip ang 24-anyos na si alyas Boss, nitong 11 Abril 2026, dakong 5:15 ng hapon sa isinagawang buybust operation sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Dinakip si Boss matapos bentahan ng pinatuyong marijuana ang pulis na nagpanggap na buyer. Nakuha sa posisyon ng suspek ang mga sumusunod, 496.2 gramo na nagkakahalaga ng ₱744,300 at 769 gramo ng liquid marijuana, nagkakahalaga ng ₱153,800.

Nakompiska rin sa suspek ang isang iPhone 13, mga kagamitan sa pag-iimpake, at isang elite backpack.

Samantala, sa isa pang operasyon naaresto ang isang alyas Danilo, 38 anyos, sa inilatag na checkpoint ng pulisya sa Susano Road, Brgy. San Agustin, Novaliches. Nasamsaman ang suspek ng isang sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.84 gramo, may halagang ₱5,712.00.

Sa pagsusuri ng rekord, lumabas na si alyas Danilo ay may nakaraang kaso sa paglabag sa RA 9262 (Violence Against Women and Their Children Act) noong taong 2021.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Isasailalim sila sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Office. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …