Thursday , June 18 2026
Nagi Notes Nathan Studios 2026 Festival de Cannes

Nagi Notes ng Nathan Studios napili para sa main competition ng 2026 Festival de Cannes

SOBRA-SOBRA ang kasiyahan ni Sylvia Sanchez dahil ang pelikula nilang Nagi Notes ay kasali sa main competition ng Festival de Cannes sa Mayo.

Sa post ni Sylvia sa kanyang Facebook account, inihayag nito ang sobra-sobrang kaligayahan dahil ang Nathan Studios Inc., co-producer ng Japanese film na Nagi Notes ay nakakuha ng inaasam na puwang sa pangunahing kompetisyon ng Festival de Cannes.

Kitang-kita ang kasiyahan ng aktres-producer na nagbahagi ng milestone sa pamamagitan ng isang masayang pagbabahagi ukol sa journey ng naturang pelikula.

“‘Yung movie na kasama naming pinaghirapan is officially headed to the main competition of the Festival de Cannes!” excited na post ni Sylvia.

Two years of quiet work, steady faith, and the right people beside us,” post nito sa kanyang social media account kaakibat ang pahayag kung gaano kahaba ang nilakbay ng pelikula para makarating ng Cannes.

Ang Nagi Notes ay isang international movie na co-prod na kasama ng Nathan Studios sa pagbuo ang mga partner na Hassaku Labs, Survivance, Star Sands, Momo Films, Wonderstruck, at mk2 Films, sa pakikipagtulungan ng Tan Si En

Our film, in partnership with Tan si en and our co-producers—Hassaku Labs, Survivance, Star Sands, Momo Films, Wonderstruck, at mk2 Films—is headed to Cannes,” dagdag na post ng premyadong aktresZ

Ang pelikula ay idinirehe ng kinikilalang Japanese filmmaker na si Koji Fukada at suportado ng producers multinational team.

Nagpahayag ng pasasalamat si Sylvia sa mga co-executive producer ng pelikula, kabilang ang anak na si Ria Atayde, na itinampok ang collaborative effort sa likod ng proyekto.

Grateful to our Director Koji Fukada, Producers Atsuko Ohno, Ryo Nagai, Michiaki Tsunoda, Terutarô Osanai, Carine Chichkowsky, Tan Si En, and Hisashi Sato; our co-executive producers Takashi Shinomiya, Jiro Ohno, Guillame Morel, and my own @SophiaAtaydeMarudo 

“This is it!!! 🤸🏿‍♂️🤸🏿‍♂️🤸🏿‍♂️

Isinulat at idinirehe ni Koji Fukada ang Nagi Notes at pinagbibidahan nina Takako Matsu, Shizuka Ishibashi, at Kenichi Matsuyama.

Sa kabilang banda, pinasalamatan din ni Sylvia ang direktor na si Alemberg Ang na naka-collab din noong 2025 sa pamamagitan ng Japanese art film na Renoir. Kasama nila sa pagpo-produce nito ang mga international producer na Happinet Studios ng Japan, Ici et Là Productions ng France, at Akanga Film Asia ng Singapore.

Ang Renoir ay napili bilang bahagi ng prestihiyosong 2025 Cannes Film Festival competition slate at nakatanggap ng standing ovation.

Si direk Ang ang nagpakilala kay Sylvia sa Renoir team, na nagbigay daan para maging co-producer ang Nathan Studios.

Sabi nga ni Sylvia, layunin ng kolaborasyon na maglabas ng mga de-kalidad at internasyonal na pelikula, na nagdala sa Pilipinas sa mas malawak na entablado ng pelikula sa mundo.

Ang Renoir ay isang coming-of-age drama ukol sa isang 11-taong gulang na batang babae na nagngangalang Fuki, na may ama na may malalang sakit. 

Kaya naman ikalawang beses nang nare-recognize ng Cannes ang Nathan Studios.

Ini-repost ni direk Alemberg ang post ni Sylvia ukol sa tagumpay na nakamit ng Nagi Notes. Anito, “WHAT A FEAT!!! A Filipino company now has 2 back-to-back titles in the main competition of the world’s biggest film festival! AMAZING!!! Congrats Jojo Campo Atayde Sophia Atayde Marudo Grace Ann Bodegon Casimsiman for this phenomenal accomplishment for Nathan Studios and for once again lifting the Philippine flag at the Croisette. Sobrang nakaka-proud!

“Congrats too to dear friend Tan Si En and everyone at Momo Film Co for this film!!!”

Sinagot naman ito ni Sylvia ng, “Thank you, Alemberg Ang, last year it was you & me, this year, it’s with Tan Si En. 

“With the right project, the right team to collaborate with, and the courage to take risks, we’ll definitely get somewhere.

“See you at Cannes!” (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Patricia Javier Imagine Me Without You

Patricia’s Imagine Me Without You music video labas na sa Youtube 

MATABILni John Fontanilla LABAS na ang Music Video ng awiting Imagine Me Without You ni Patricia Javier sa Viva YouTube …

Anna Katrina Lara

Anna Katrina excited sa Reignited concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang 2000 Metropop Grand Champion na si Anna Katrina Lara sa nalalapit na reunion …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …

Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab …

Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED Rni Rommel Gonzales MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na …