RATED R
ni Rommel Gonzales
USAP-USAPAN ngayon ang rebelasyong ibinahagi ni Gardo Versoza sa vlog ni Charo Cordial, President at Founder ng Maddox Jewelry.
Personal na bumisita si Gardo sa showroom ng jewelry showroom para sa isang espesyal na misyon—ang palitan ang kanilang simpleng wedding ring ng kanyang misis na matagal na niyang ipinangako.
Ayon kay Gardo, nang ikasal sila sa Las Vegas, aminado siyang hindi ganoon ka-bongga ang kanilang singsing.
“Parang ano lang sa manok,” biro pa niya. Kaya ngayon, determinado siyang bumawi—at saan pa nga ba kundi sa Maddox, na kilala sa de-kalidad at customizable na diamond pieces.
Pero hindi lang tungkol sa alahas ang naging sentro ng usapan.
Sa masayang chikahan nila ni Ms. Charo, biglang napunta ang usapan sa kanyang makulay na nakaraan at dito na nga niya ibinunyag ang nakagugulat na kwento.
“May kalendaryo ako, roon ako nabuking ni kumander… doon ko inililista ang initials…”
Ayon kay Gardo, roon (kalendaryo) niya isinusulat ang initials ng kanyang mga nakaka-date. Pero nahalata ito ng kanyang misis nang mapansin ang pattern, kung sino ang nauuna sa linggo, at kung sino ang nahuhuli.
“Parang na-confirm niya,” natatawang pag-amin ng aktor.
At dagdag pa niya, “Roon na nagtapos ang aking horoscope sa Chinese calendar!”
Sagot naman ni Ms. Charo, “Very relatable—malakas talaga ang instinct ng mga babae.”
Sa kabila ng nakatutuwang rebelasyon, naging inspirasyon din ang pagbisita ni Gardo. Humanga siya sa pinagdaanan ni Ms. Charo, mula sa pagiging Licensed Agricultural Engineer, pagtatrabaho sa isang male-dominated field, hanggang sa pagtatayo ng sarili niyang brand na ngayon ay kilala bilang isa sa mga pinagkakatiwalaang pangalan sa alahas.
Hindi rin nakaligtas sa kanyang papuri ang transformation ni Ms. Charo—mula sa hindi mahilig sa alahas noon, hanggang sa matatawag ngayon na “Queen of Diamonds.”
Sa huli, mula sa mga pasabog na kwento hanggang sa pagbawi sa pag-ibig sa pamamagitan ng isang bagong wedding ring, pinatunayan nina Gardo at Ms. Charo na ang bawat alahas ay may kwento—minsan masaya, minsan makulay, pero laging may aral.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com