Friday , June 19 2026
Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Pamilyang Atayde naikot na ang mundo tin-edyer pa lang sina Arjo, Ria, Gela

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGBALIK-ALAALA kami dahil 17 years ago, buwan din ng Abril ay isinama kami ng pamilyang Ataydesa kanilang isang buwang bakasyon sa Europa.

Pitong bansa ang nilibot namin nina Art Atayde at misis niyang si Sylvia Sanchez at ang tatlo nilang mga anak na noon ay mga bagets pa—Arjo na papasok pa lamang sa kolehiyo at wala pa sa daigdig ng showbiz at politika (hello, Maine Mendoza), at sina Ria (dalagita pa lamang at bawal pang ligawan. Hello, Zanjoe Marudo!), at Gela  na beybing-baby pa at hindi pa world-class dance champion (hello Zaijian Jaranilla).

Ka-join din namin ang pinsan nina Arjo, Ria, at Gela na si Marimil Alcain na ang ina na si Tita Meding o Ditos Alcain ay kapatid ni Art.

Unang stop (or entry point) namin noon ay sa Amsterdam na pagkaganda-ganda at napakalinis na lugar.

Pagkatapos sa Amsterdam ay rumampa rin kami with the Atayde family sa Spain (hello, Real Madrid), Italy (naghagis kami ng coin at nag-wish sa Trevi Fountain), France (inakyat namin hangggang tuktok ang Eiffel Tower), Greece (na-witness namin ang world-famous na Golden Sunset sa Santorini), Vatican City (na nakita namin ng malapitan si Pope Benedict XVI), at Switzerland na sa unang pagkakataon sa buhay namin ay nakakita at nakahawak kami ng snow sa tunay na buhay!

Marami kaming hindi malilimutang experiences sa Europe; kapag nga may pinagkukuwentuhan kami, naloloka na isang buwan kaming namalagi roon na napakamahal ng cost of living.

Well, mga Atayde ang kasama namin na noon pa man ay nakaaangat na sa buhay kaya naging napakasaya ng bakasyon namin sa Europa.

Kaya nga naloloka rin kami sa mga basher na mema sa pagsasabing nakapag-abroad lamang ang pamilyang Atayde noong manalong Congressman ng 1st District ng Quezon City si Arjo.

Estudyante pa lamang si Cong. Arjo at hindi pa isinisilang ang bunso nina Sylvia at Art na si Xavi na guapong teenager na ngayon ay halos naikot na nila ang buong mundo.

Sina Sylvia at Art din ang nagdala sa amin, sa unang pagkakataon, sa Bangkok sa Thailand na hanggang ngayon ay isa sa mga paborito naming Asian destinations.

Kailan uli tayo mag-a-abroad, Jossette?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …