Thursday , June 4 2026
Dead Road Accident

Papasok sa trabaho
3 kabataang sakada na angkas ng motor sumalpok sa bus, todas

PATAY ang magkakaibigang menor de edad na nagtatrabaho bilang sakada sa tubuhan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa Hacienda Elenita, Barangay Burgos, Cadiz City, Negros Occidental, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Rolly, 17, Jay-r, 13, at Kim Jay, 17, pawang mga residente sa Barangay Burgos.

Sinabi ni P/ Lt. Daleen Grace Loreno, deputy chief ng Cadiz City Police Station, sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo nang mag-overshot at sumalpok sa bus na nasa kabilang linya patungo sa Cadiz City.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima na agaran nilang ikinasawi.

Nabatid na ang mga biktima ay magkakapitbahay at patungo sana sa tubuhan kung saan sila nagtatrabaho bilang mga sakada.

Isa sa mga biktima ang nakatakdang magtapos sa elementarya.

Nagpaabot ang Vallacar Transit Inc., ng burial assistance sa pamilya ng mga biktima, ayon kay Loreno.

Magpupulong ang magkabilang panig ngayong Lunes, 30 Marso, para sa kasunduan.

Nakalaya na sa kustodiya ng pulisya ang 36-anyos bus driver. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …