Thursday , June 4 2026
Martin Romualdez

Mahal na Araw sagradong panahon para magnilay — Rep Romualdez

GINUGUNITA ngayong linggo ng mga Kristiyano ang pinakamahalagang yugto sa buhay ni Hesukristo, ang kanyang paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay. 

Kaugnay nito isang mensahe para sa Mahal na Araw ang ipinahatid ni Rep Martin Romualdez.

Aniya, “Ang Mahal na Araw ay isang sagradong panahon para sa panalangin at pagninilay. Ipinapaalala nito ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos—isang pag-ibig na nagliligtas, nagbibigay ng pag-asa, at umaakay sa atin pabalik sa Kanya. Sa bawat sandali ng katahimikan, pinapaalala sa atin na hindi tayo nag-iisa.

“Sa gitna ng mga hinaharap nating pagsubok at suliranin, nawa’y magsilbing paanyaya ang mga araw na ito para sandaling huminto, magnilay, at balikan ang ating sarili. Panahon ito upang suriin ang ating mga puso at hanapin ang lakas na magpatuloy, ang tapang na magpatawad, at ang pusong patuloy na magmahal—lalo na sa mga panahong pinakamahirap itong gawin.

Nawa’y ang panahong ito ay magsilbing instrumento ng paghilom para sa ating mga pamilya at sa ating buong bansa. Sa gitna ng mga hamon, samantalahin natin ang pagkakataong ito para muling magkaisa. 

“Sa ating pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay, nawa’y muling mag-alab ang ating pananampalataya at malasakit sa isa’t isa, upang sabay-sabay nating abutin ang pangarap na isang lipunang may katarungan at malasakit sa kapwa.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …