Tuesday , March 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Princess Aliyah Fred Moser

Princess Aliyah pag-amin lantaran: BF material si Fred Moser!

ni Allan Sancon

HINDI na nagpaligoy-ligoy pa si Princess Aliyah nang usisain tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Fred Moser matapos ang kanilang paglabas sa Bahay ni Kuya.

 Unang umamin si Fred na may paghanga siya kay Princess habang nasa loob pa sila ng reality show, kaya naman usap-usapan ngayon kung may posibilidad bang mauwi ito sa panliligaw. Pero ayon mismo kay Princess, malinaw ang lahat sa ngayon. “For now po, wala pong ganoon, very close friends po kami ngayon.

“Kung ano po ‘yung nakikita ninyo, ‘yung pino-post namin sa social media, ‘yun din po ‘yung relationship namin now,” diretsahang pahayag niya.

Sa kabila ng mga espekulasyon ng fans, agad ding nilinaw ni Princess na wala pang nagaganap na panliligaw mula kay Fred. Nang tanungin kung may hakbang na ba ang binata, mabilis ang kanyang tugon: “Ah hindi po.” 

Gayunman, hindi rin niya tuluyang isinara ang pinto sa posibilidad na maaaring may mangyari sa hinaharap, bagay na lalong nagpakilig sa kanilang supporters.

Nang usisain kung may pag-asa ba si Fred sakaling magdesisyon itong manligaw, nag-iwan ng makahulugang sagot si Princess. “Ah, sa takdang panahon,” aniya, sabay ngiti. Isang pahayag na tila nagbigay ng pag-asa at lalong nagpa-init sa usapin kung may “something more” nga bang maaaring mabuo sa kanila.

Hindi rin nagtipid sa papuri si Princess nang tanungin kung ano ang mga katangiang nagustuhan niya kay Fred. 

Aniya, “Well, sobrang bait po talaga, sobrang maalaga. Ayun nga po, mapagkakatiwalaan, kasi for now sa showbiz talaga, mahirap makahanap ng kaibigan na ganoon.” 

Isang malinaw na indikasyon kung gaano kalalim ang respeto at tiwala niya sa binata, lalo na sa gitna ng industriyang kilala sa pagiging komplikado.

At nang diretsahang tanungin kung maituturing ba niyang boyfriend material si Fred, walang pag-aalinlangan ang kanyang sagot. “Yes!” sabay malakas na tawa ni Princess. 

Dagdag pa niya, “Ewan ko, wala akong maisagot d’yan basta boyfriend material siya.” Isang simpleng sagot pero punompuno ng kilig na agad pinulot ng kanilang mga tagahanga.

Sa huli, nag-iwan si Princess ng mensahe para kay Fred na nagpapakita ng kanyang suporta at pagpapahalaga. “Ayon, mahaba haba pa ang tatahakin namin sa showbiz industry lalo pa at kasisimula pa lang namin. I wish him very well sa career niya.” 

Sa kabila ng lahat, malinaw na nananatiling matibay ang kanilang samahan—at para sa fans, sapat na iyon para umasa na baka balang araw, mula sa pagiging BF material ay tuluyan nang maging boyfriend si Fred sa buhay ni Princess.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Nicole Sonora Sheryl Cruz Boy Abunda Rams David

Anak ni Sheryl na si Nicole papasukin na rin pag-aartista 

MA at PAni Rommel Placente DAHIL artista ang kanyang inang si Sheryl Cruz at mula sila sa …

Lance Carr Harana

Lance Carr nagpaliwanag sa viral Harana video

I-FLEXni Jun Nardo UMINGAY ang pangalan ni Lance Carr nang mag-viral ang pagkanta ng awiting Harana sa mga candidate …

Kiray Celis

Kiray inamin mas malaki kita sa live selling

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO si Kiray Celis na mas malaki ang kinikita niya sa live selling kaya …

Barbie Imperial Annabelle Rama

Nagkikislapang alahas ni Barbie bigay ni Annabelle

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI itinanggi ni Barbie Imperial na ang makikinang na suot-suot niyang alahas sa …

Richard Gutierrezsa Barbie Imperial Blood vs Duty Gerald Anderson Bela Padilla Baron Geisler

Richard matagal nang gustong makatrabaho si Barbie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “I’VE been wanting to work with Barbie.” Ito ang walang kagatol-gatol na …