MA at PA
ni Rommel Placente
Walang pagdadalawang-isip na ipinagtanggol ni Joseph Bitangcol ang ex- girlfriend na si Sandara Park, sa intrigang gumagamit umano ito ng bawal na gamot.
Kaugnay ito ng alegasyon ni Park Bom na nadiin umano ito sa “drug scandal” para pagtakpan at protektahan ang imahe ni Sandara.
Sina Sandara at Park Bom ay parehong miyembro ng Korean girl group na 2NE1.
Una na ring pinabulaanan ni Sandara ang isyu, at sinabing hangad niyang nasa mabuting kalagayan si Park Bom sa kabila ng kontrobersiya.
Kalaunan ay binura rin ni Park Bom ang kanyang Instagram post ukol dito.
Sabi ni Joseph, imposible raw na gumagamit ng droga si Sandara. Matagal na niya itong nakasama. Kilala niya ang pagkatao ng dating ka-loveteam at karelasyon, at alam niyang wala sa personalidad nito ang gumamit ng ilegal na droga.
Ni hindi nga naninigarilyo o umiinom si Sandara, ‘yun pa raw kayang gumamit ng droga?
“I’m sure, 100%, na hindi niya gagawin ‘yon,” giit pa ni Joseph.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com