Thursday , June 4 2026
Sa Likod Ng Tsapa Editha Ging Caduaya

Docu film ni Caduaya patuloy na kinikilala abroad

RATED R
ni Rommel Gonzales

PATULOY ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at pagpapakilala ng kanyang kuwento sa international stage ng Filipino journalist at documentary filmmaker na si Editha Caduaya.

Pinarangalan ang kanyang documentary film na Sa Likod ng Tsapa (Beneath The Badge: The Story of Police Colonel Hansel M. Marantan) bilang Outstanding Excellence Award sa Documentaries Without Borders International Film Festival nito lamang March 15, 2026.

Ang nabanggit na pagkilala ay karagdagang parangal sa pelikula na patuloy na hinahangaan sa iba’t ibang bansa.

Bukod dito, noong January 18, 2026 ay pinarangalan din ang docu film sa Dhaka International Film Festival, isa sa mga tinitingalang platforms para sa global cinema. Ang dokumentaryo ay ukol sa tagos sa puso at makatotohanang kuwento ni Hansel M. Marantan, isang Philippine National Police officer na ang buhay at karera ay hinubog ng kontrobersiya, sakripisyo, tibay ng loob at pagpapakita ng katotohanan.

Sa pamamagitan ng mga panayam, archival footage, at naratibong paglalahad, ibinahagi ng pelikula ang emosyonal at moral na kabuuan ng pagiging isang alagad ng batas bilang pagpapakita, sa bihirang pagkakataon, ng personal na laban sa likod ng tsapa.

Para kay Ms. Caduaya, ang pagkilala ay hindi lamang tagumpay sa kanyang pagiging isang direktor at manunulat kundi isa ring pagpupugay sa mga nakatagong kuwento sa likod ng serbisyo ng mga alagad ng batas at sa mga kababaihang filmmakers sa bawat rehiyon sa bansa.

Aniya pa, “This documentary was created to show the human side of those who dedicate their lives to public service.

“Behind every badge is a story of sacrifice, pain, courage, and hope. These awards remind us that these stories deserve to be heard.”

Si Caduaya, isang journalist na may mahigit dalawang dekadang karanasan sa pagbabalita ng pamamahala, pakikibaka, at social issues sa Mindanao ay pumasok sa mundo ng dokumetaryo upang mailahad ang mas malalim na kuwento ng mga nilalang na minsan ay hindi nakikita sa mga headline.

There were moments when telling this story was emotionally heavy,” pahayag ni Caduaya, “But I believed the world needed to see the person behind the uniform—the man who endured trials and accusations yet continued to serve his country.”

Ang Documentaries Without Borders International Film Festival ay nagbibigay-halaga sa mga tunay na kuwento mula sa iba’t ibang sulok ng mundo na tumatalakay sa katotohanan at karanasan ng bawat tao, tulad ng Sa Likod Ng  Tsapa/Beneath the Badge, na nagwagi dahil sa makabuluhan at masusing paglalahad nito.

Dagdag pa ni Caduaya, “This award is not just for the film, it is for every officer who continues to serve despite hardship, for every family who stands behind them, and for every storyteller who believes that truth and humanity matter.” 

Sa patuloy na pagkilala sa international platforms, inaasahan  na ang docu film ay aabot pa sa mas malawak na manonood sa pamamagitan ng mga screening at mga kaganapang pangkultura na magdadala ng mga kuwentong Filipino ng serbisyo, tibay ng pagkatao at hustisya sa buong mundo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …