MA at PA
ni Rommel Placente
TOTOO bang sinadya ng singer na si Gigi de Lana ang pagkahimatay sa kanyang recent gig sa Samal Island, Davao?
Isa kasi ang dalaga sa mga naging hot topic sa Ogie Diaz Showbiz Update na may chikang nagparating sa kanila na disappointed ang promoter sa dalaga dahil sa maraming bagay.
Mayroon raw nakarating sa kanila na nagdadrama lang daw ang singer at tila intensyonal ang ginawa para hindi makadalo sa courtesy call sa mayor.
Bukod pa rito, ang dami raw kasama ni Gigi na umabot sa 18.
Wala pa raw one hour nang isalang ang singer nang mahimatay ito ngunit wala raw magawa ang promoter dahil emergency ang sitwasyon ngunit marami ang nagtatanong kung scripted lang ang pagkahimatay nito dahil nakaabang na agad ang kanyang team at tila walang pagpa-panic nang mawalan ng malay ang dalaga.
Nagtataka rin daw ang promoter kung bakit sa service van dinala si Gigi at hindi sa ambulansya. Bukod pa rito, nang maka-recover ang dalaga ay bumalik na ito sa hotel nang naka-wheel chair.
Bukas ang aming kolum sa paliwanag ni Gigi.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com