Thursday , June 4 2026
Robb Guinto Desperada

Robb Guinto ‘di nag-hysterical, kapuri-puri acting sa Desperada

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI lang paghuhubad ang alam gawin ni Robb Guinto sa pelikula kundi marunong din siyang umarte, huh!

Pinahanga niya kami nang mapanood namin siya sa pelikulang pinagbibidahan niya, ang Desperada.

Ang husay-husay kasi niya sa pelikula. Pang-best actress ang akting na ipinamalas niya sa totoo lang.

Sa Desperada ay gumaganap si Robb bilang si Brenda, na nagkaroon ng sakit sa pag-iisip bunga ng pang-aabuso ng kanyang ama.

Iniwan siya ng kanyang mga magulang hanggang maging palaboy-laboy. Hanggang nakita siya ni Miriam (Sue Prado), kinupkop at dinala sa sa kanyang shelter.

Ang advocacy ni Miriam ay i-rescue at alagaan ang homeless persons with mental disorder.

Maraming eksena sa pelikula na talagang lumutang ang husay sa pag-arte ni Robb.

Ang isa rito ay ‘yung crying scenes niya nang muling makita ang ina na nabaliw.

Ang isa pa, ay ‘yung eksenang pinuntahan niya ang ama, kinompronta niya ito dahil sa pang-aabuso sa kanya. Hindi hysterical ang akting ni Robb, huh?  Kung tutuusin, dahil sa galit na galit sa walang kwenta niyang ama, ay mag-hystrical siya, ‘di ba? Nagampanan niya ang eksenang ‘yun with flying colors.

Ang isa pang tumatak sa amin na eksena ni Robb na pinahanga kami, ay ‘yung pinuntahan niya sa sementeryo ang ex-boyfriend na si Lucio (Yasser Marta).

Ang galing-galing dito ni Robb. At kahit si Yasser, grabe ang akting na ipinamalas sa eksena nila ng girlfriend sa totoong buhay.

Hindi na lang kami magkukwento tungkol doon. Ayaw naming maging spoiler.

Watch ninyo na lang ang movie. At gaya namin, siguradong magugustuhan ninyo ito at hahanga kayo sa mahusay na pagganap ng magdyowa na sina Robb at Yasser.

Ang Desperada ay mula sa LDG Productions ni Lito de Guzman. Mula ito sa script ni Dennis C. Evangelista at sa direksiyon ni Louie Ignacio. Isa ito sa mga kalahok sa 2026 Sinag Maynila International Film Festival.

Bukod kina Robb at Yasser, kasama rin sa Desperada sina Mhack Morales, Jorge Guda, at Mercedes Cabral. 

Samantala, narito ang ilang sinehan na maaaring maapanood ang Desperada.

MARCH 26, Thursday

2:00 PM – Gateway Cinema 17

MARCH 27, Friday 

5:00 PM – Eastwood Cinema 1

8:00 PM – Venice Cinema 1

MARCH 28, Saturday 

8:00 PM – Eastwood Cinema 1

8:00 PM – Lucky Chinatown Cinema 1

MARCH 29, Sunday 

5:00 PM – Gateway Cinema 18

5:00 PM  – Uptown Cinema 4

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …