Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

LGU official arestado sa P.1-M ilegal na droga

NADAKIP sa isinagawang joint anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) Camiguin Provincial Office at ilang law enforcement agencies ang isang incumbent vice mayor na nakompiskahan ng hinihinalang ilegal na droga o shabu na nagkakahalaga ng P102,000 sa pagpapatupad ng search warrant sa Guinsiliban, Camiguin Province nitong Martes ng gabi.

Sa ulat na natanggap ni PDEA Regional Director Alex Tablate, kinilala ang opisyal na isang alyas Tata, 66 anyos, residente sa Purok 3, Brgy. North Poblacion, Guinsiliban, Camiguin.

Dakong 11:00 ng gabi nang ipatupad ang search warrant ng mga opetratiba ng PDEA-10 Camiguin Provincial Office, sa koordinasyon ng PNP Camiguin Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Mambajao Municipal Police Station (MPS), Guinsiliban MPS, at Provincial Mobile Force Platoon, na nagresulta sa pagkakadakip sa bise alkalde sa kaniyang tirahan sa nasabing barangay.

Nakompiska sa vice mayor ang limang plastic sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000.

Nakuha rin sa operasyon ang isang .9mm pistol na may isang magazine, 22 rounds ng 9mm live ammunition, dalawang cellular phone, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …