Thursday , June 4 2026
Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, lumitaw ang 18 indibiduwal na umano’y dating Marines na nagsasabing sila raw ang nagdala ng maleta-maletang pera sa ilang politiko kaugnay ng flood control projects mula 2023 hanggang 2025. Ayon sa kanila, umaabot sa P805 bilyon ang kabuuang halaga. Kilalang mga personalidad ang nadadawit. Ngunit hindi naglaon, nabunyag din ang mga kahinaan ng kanilang naratibo.

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na may discrepancies sa figures na inilatag kompara sa opisyal na flood control funds sa parehong mga taon. Kung hindi magkatugma ang basehang numero, paano magiging kapanipaniwala ang buong istorya?

May pag-aalinlangan din si Lacson sa tunay na layunin ng paglabas ng alegasyon, lalo’t kasabay ito ng ICC Confirmation of Charges hearing sa dating Pangulo.

“Ang pino-project do’n, napaka-corrupt ng ICC ‘di ba? Dahil nilagyan ng $2 million, allegedly, through former Senator Trillanes,” ani Lacson.

Kapansin-pansin din ang petsa ng paglabas ng mga paratang—isang araw bago ang paggunita sa EDSA People Power anniversary.

“Timing nila, bisperas noong Trillion (Peso) March, ‘yung 40th anniversary ng EDSA (Revolution),” dagdag ni Lacson.

Para kay Lacson, hindi ito simpleng nagkataon lamang. Maaaring may politikal na kulay o bahagi ng destabilization narrative ang paglabas ng mga ito. Sa politika, ang timing ay kadalasang sinasadya at hindi basta nangyayari.

Inihayag naman ng Philippine Navy na apat sa 18 na iprenesintang Marines ay hindi kailanman naging bahagi ng Marine Corps. Kung mapapatunayan, hindi lamang ito usapin ng credibility kundi posibilidad ng fabricated identities.

Kasama rin sa nadawit si Malayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima. Ayon sa alegasyon, nakatanggap umano siya ng maletang may laman na pera mula 2022 hanggang 2025. Ngunit siya ay nakadetine hanggang November 2023 at nahalal lamang noong 2025 elections. Hindi rin siya kabilang sa Kongresong nag-aproba ng 2025 national budget. Kung wala siyang direktang papel sa budget allocations, ano ang lohika ng pagbibigay sa kanya ng ganoong kalaking halaga?

Mabigat ang mga paratang at dapat lamang na imbestigahan ang mga ito. Ngunit mabigat din ang mga butas sa kuwento na kailangang linawin. Sa ganito kalaking akusasyon, hindi sapat ang press conference at dramatic testimony. Kailangan ang dokumento, bank trail, service records, at consistency sa salaysay.

Sa panahon ng matinding pagkakahati ng mga Filipino, madaling gumawa ng headline pero ang mahirap ay ang patotohanan ito ng ebidensiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …