Thursday , February 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashtine Olviga

Ashtine patutunayan versatile at powerful performer, bibida sa pinakabagong Viva anthology series

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAKA-SUWERTE ni Ashtine Olviga dahil agad siyang pinagkatiwalaan ng Viva para magbida sa isang anthology series. 

Maihahanay na siya sa mga bigating artista na may ganito ring tema ng panoorin noon tulad nina Maricel Soriano, Charo Santos, Judy Ann Santos at iba pa.

Mula sa malaking tagumpay ng Ang Mutya ng Section Eseasons 1 at 2, at sa kanyang big-screen breakthrough sa Minamahal, patuloy ang pag-angat ngtinaguriang The Nation’s Mutya na si Ashtine bilang isa sa mga pinaka-hinahangaang bituin ng kanyang henerasyon. Ngayon, mas lalong magpabibilib ni Ashtine ang mga manonood sa isang bagong proyekto na magpapakita ng kanyang versatility sa Viva One Originals: Ashtine na ang unang episode ay mapapanood na sa March 13.

Ang Viva One Originals ay ang pinakabagong anthology series ng Viva One tampok ang brightest stars ng industriya na magbibigay-buhay sa iba’t ibang kwento at karakter. Sa pagbubukas ng serye, si Ashtine ang kauna-unahang bituin na bibida sa isang Viva One Originals anthology. Ang Viva One Originals: Ashtine ay may apat na original stories sa apat na pangmalakasang genre, na pagbibidahan nito.

Sa unang episode na ipalalabas sa March 13, sasabak si Ashtine sa comedy sa Who’s the Boss? bilang isang masigasig na assistant.Idinirehe ni RC delos Reyes, makakasama ni Ashtine ang comedy icon na si Rufa Mae Quinto na gaganap bilang isang istrikto at mataray na CEO. Dahil sa isang sumpa, magpapalit ang kanilang katawan. Masusubukan sila na patakbuhin ang kompanya habang itinatago ang kanilang lihim. Bukod sa mga nakatatawang eksena, maraming matututunan sa episode kagaya ng empathy, self-discovery, at ang tunay na halaga ng kapangyarihan—mga aral na tatatak sa puso ng mga manonood.

Sa March 20 naman mapapanood ang romantic episode na My MelodyMula sa direksiyon ni Fifth Solomon, gagampanan ni Ashtine si Melody, isang fangirl ng Korean artist na si Chanwoo (Lee Dae Won). 

Mayroon siyang matalik na kaibigan na si George, isang struggling musician na may lihim na pagtingin sa kanya, na ginagampanan ni Rob Deniel sa kanyang unang major acting role. Nang lumipat sa Pilipinas si Chanwoo, pagtatagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas.

Sa Balik-Eskwela, na hango sa viral horror concept mula sa Book of Bad Ideassa TikTok, haharap si Ashtine sa isang intense na role bilang Moana Marie, isang estudyante na ang unang araw sa paaralan ay mauuwi sa kababalaghan matapos madiskubre ang isang nakakikilabot na katotohanan tungkol sa kanyang sarili. 

Habang nasa pagitan ng mundo ng mga buhay at patay, kailangan hanapin ni Moana ang katotohanan at hustisya para mailigtas ang mga inosenteng buhay. Idinireheni Roni S. Benaid, kasama ni Ashtine rito sina Marco Gumabao at Sara Joe, abangan ang isang kwentong puno ng misteryo at tensyon na hindi mo dapat palampasin sa March 27.

Kukompleto sa anthology ang family drama na Bahay-Bahayan mula kay Joy Aquino, na mapapanood sa April 4, at magtatampok kay Ashtine kasama ang award-winning Optimum Star na si Claudine Barreto. Si Ashtine ay si Blessie, isang independent na dalaga na pinalaki ng kanyang lola habang nagtatrabaho abroad ang kanyang ina, na ginagampanan ni Claudine. Nang umuwi ang kanyang ina, haharapin nila ang hamon na muling buuin ang kanilang relasyon. Habang sinusubukan nilang ayusin ang kanilang samahan, lalabas ang isang masakit na katotohanan na maaaring maging susi para tuluyang maghilom o tuluyang masira ang kanilang relasyon.  

Sa bawat episode, ipakikita ni Ashtine ang isang panibagong yugto bilang isang aktres—versatile, confident, at handa sa anumang kwento.

Kahanga-hanga ang naging paglalakbay ni Ashtine: mula sa pagsali sa 2016 talent search na Born to Be A Star at pagiging miyembro ng P-pop groups, hanggang sa pagkakaroon ng supporting roles at breakthrough performances sa TV at pelikula—kabilang ang kanyang pagganap sa Manila’s Finest, na nagbigay sa kanya ng Best Supporting Actress nomination sa MMFF. Mula sa kanyang simpleng pagsisimula hanggang sa kanyang star-making roles, napatunayan ni Ashtine na siya ay isang versatile at powerful performer.

At ngayon, mas marami pang dapat abangan sa kanya na lalong magpapakita ng kanyang natatanging talento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kris Lawrence Alvin Aragon

Kris kinompirma pagnanakaw ni Alvin ng cellphone: Gusto ko siyang suntukin

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINAGOT ni Kris Lawrence ang nailahad kamakailan ni Alvin Aragon, ang pagnanakaw niya ng …

Ilocos Sur Kyle Echarri Kai Montinola

Kyle, Kai, Maris nagpasaya sa Ilocos Sur Festival

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAG-ENJOY sina Kyle Echarri at Kai Montinola sa Ilocos Sur Festival 2026 . Twelve days na pagdiriwang …

SPEEd Iza Calzado Dingdong Dantes

Dong, Iza, mga bigating bituin dumalo sa makasaysayang induction
SPEEd Prexy Tessa Ariola: pagkakaisa, pagtutulungan susi sa matatag na industriya

ni Allan Sancon ISANG makulay at makasaysayang umaga ang naganap noong Pebrero 24, 2026 sa …

Jun Lana Hilda Koronel Eugene Domingo Jennica Garcia

Jennica natupad maidirehe ni Jun Lana

HARD TALKni Pilar Mateo MATAPOS ANG ilang pelikula at ilang soap, dumaan na rin pala …

Coco Martin Marian Rivera Andres Muhlach Kai Montinola PAFTA

Unang PAFTA dinaluhan ng mga sikat na artista

MATABILni John Fontanilla STAR-STUDDED  ang katatapos na 1st Philippine Arts, Film & Television Awards  (PAFTA) na ginanap …